John LLoyd sinadyang wasakin ang career para galitin ang ABS; tumakas na patungong Europe | Bandera

John LLoyd sinadyang wasakin ang career para galitin ang ABS; tumakas na patungong Europe

Cristy Fermin |October 10,2017
facebook
share this

John LLoyd sinadyang wasakin ang career para galitin ang ABS; tumakas na patungong Europe

Cristy Fermin - October 10, 2017 - 12:01 AM

JOHN LLOYD CRUZ

UMALIS na si John Lloyd Cruz papuntang Europe dahil sa dadaluhan niyang kasal ng kanyang kaibigan.

Matagal na palang ipinagpapaalam ‘yun ng magaling na aktor sa Star Magic, pero hindi siya puwedeng pagbigyan, dahil meron nga siyang regular na taping para sa kanilang sitcom ni Toni Gonzaga.

Ewan kung dapat nating paniwalaan ang kuwento na sinadya ni JLC ang pagiging pasaway nitong mga huling linggo, ‘yun lang daw ang alam niyang paraan para makaalis siya, na nangyari nga dahil kasama niyang lumipad papuntang Europe ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN na pansamantala lang magpapahinga sa pag-arte si JLC, may mahahalagang bagay raw siyang aasikasuhin sa ibang bansa, pero mas maraming naniniwala na tinapos na ng network ang kontrata sa kanila ni JLC at hindi na ire-renew pa.

Nakapanghihinayang na career. Dekada ang pinagsakripisyuhan ng binatang aktor para marating niya ang ganitong estado, hindi naman siya naglaro lang, matinding talento at panahon ang ipinuhunan niya.

Palaging may panahon para sa reyalisasyon. Sana nga, isang araw, ay maisip ni JLC na napakasuwerte niya bilang artista na puwedeng masira sa isang iglap lang dahil sa kanyang pagpapabaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending