John Lloyd, Ellen 'nag-honeymoon' sa Europe, todo waldas ng kayamanan | Bandera

John Lloyd, Ellen ‘nag-honeymoon’ sa Europe, todo waldas ng kayamanan

Jobert Sucaldito |October 10,2017
facebook
share this

John Lloyd, Ellen ‘nag-honeymoon’ sa Europe, todo waldas ng kayamanan

Jobert Sucaldito - October 10, 2017 - 12:01 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

SARAP naman ng buhay ng magkasintahang sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz! Pa-travel-travel at enjoy-enjoy lang sila, walang paki sa mundo basta magkasama sila.

Match made in – oh no! not heaven ha, in Cebu! Ha! Ha! Ha! No, they’re not in Cebu right now, they are in faraway Europe – they showed some pictures sa Switzerland recently and soon Paris-bound dahil dadalo raw si Lloydie sa kasal ng dati niyang stylist.

Kaya nag-file nga raw ito ng indefinite leave sa ABS-CBN para magbakasyon. Marami ang humuhula na part ng bakasyon niya ay ang pagpapa-rehab. We don’t know Lloydie’s plans yet, pero if kasama ang pagpapa-rehab nito, well and good, di ba? We just wish him the best.

Marami ngayon ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa Home Sweetie Home nila ni Toni Gonzaga sa Dos. Ito raw ba ay patuloy pa rin or sisibakin na? Well, wala pa kaming nakuhang detalye about this. Basta as of now it’s still airing. Puwede naman kasing ibahin ang istorya along the way at pag ready na uli si Lloydie saka na lang ibalik ang kanyang character, di ba?

“Sobra yata talaga silang in love ni Ellen sa isa’t isa kaya parang early honeymoon na rin nila yan sa Europe. Sarap nga ng buhay nila, ang dami nilang pera kaya pasyal-pasyal lang sila palagi,” anang isang echoserang friend namin.

Nakakainggit nga ang buhay nila, di ba? Dami nilang perang panggastos sa biyahe, dami nilang oras para sa kanilang mga sarili. Kung yung iba ay nagkakandakuba na sa kahahanap ng pagkakakitaan, heto ang dalawa at pawardi-wardi lang. Kebs sa income sa showbiz kung umaapaw naman ang kaban sa bank accounts nila.

They deserve some breaks naman. Aanhin mo nga naman ang sandamakmak na salapi kung burnt out ka. Kaya pasyal-pasyal muna ang kasagutan diyan. They also need fresh air – a breather kumbaga.

Sana lang ay makabalik pa rin si John Lloyd. At sana lang ay may babalikan pa siya sa Dos.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending