Mag-bff na male star at young actress lips-to-lips ang batian | Bandera

Mag-bff na male star at young actress lips-to-lips ang batian

Ambet Nabus |October 09,2017
facebook
share this

Mag-bff na male star at young actress lips-to-lips ang batian

Ambet Nabus - October 09, 2017 - 12:15 AM

 

UY, nakakaloka pala ang tawagan ng dating magka-loveteam at ngayo’y kapwa nasa iisang network na uli after some dismal projects – sa movies man o sa TV.

Simpleng “BFF” daw ang madalas na turingan ng male and female stars na ito na muli ngang nabuhay ang mga karir sa bago nilang istasyon.

Mas naunang lumipat si babae at nabigyan ng projects, pero hanep din naman ang arrive ni male celebrity dahil sunod-sunod din ang exposure niya sa halos lahat ng shows sa bagong network.

Sa isang show kung saan nagkita ang mga ito, ramdam mo raw talaga ang kakaiba nilang closeness to the point na hindi sila nailang magyakapan at magbeso-beso.

“BFF” nga ang tawagan nila at ang nakakalokang chismax ng ating source, binigyan ng “lip service” as in kissing moment ni actor si female celebrity na mukhang approve na approve sa ginawa ni lalaki kahit off cam?

Ang tanong mga ka-BANDERA, may relasyon ba sila o sadyang close lang talaga, lalo pa’t alam ng showbiz na may sabit na si lalaki? Or baka naman ganu’n na talaga ang mga millennial, super lips to lips to lips kahit BFF lang!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending