Maymay kay Maine: Hindi lang kami nabaliw sa ‘yo, naging inspirasyon ka naming lahat! | Bandera

Maymay kay Maine: Hindi lang kami nabaliw sa ‘yo, naging inspirasyon ka naming lahat!

Jun Nardo |October 07,2017
facebook
share this

Maymay kay Maine: Hindi lang kami nabaliw sa ‘yo, naging inspirasyon ka naming lahat!

Jun Nardo - October 07, 2017 - 12:45 AM

MAYMAY ENTRATA AT MAINE MENDOZA

BUMA-viral ang pagkikita nina Maine Mendoza at Maymay Entrata. Hindi naitago ang Kapamilya star na idolo niya si Meng kaya naman tuwang-tuwa siya nang magkrus ang kanilang landas sa isang showbiz event.

Maging ang palitan nila ng mensahe sa kanilang social media account ay ipinost ng kani-kanilang fans sa Instagram.

“@mainedcm Nice meeting you! Sana mameet din namin ni Alden si Mama mo soon.”

Reply naman ni Maymay kay Maine, “Ang bait nyo po talaga ni Sir Alden! Pareho kayong sinabi po na sana makita nyo si mama soon. We love you po.”

Nauna rito, sa caption ni Maymay sa isa niyang IG photo kung saan magkasama nga sila ng Phenomenal Star, sinabi niyang kaya napasok sa Twitter ang ina niyang OFW ay dahil kay Maine.

“Maraming OFW ang pinasaya mo kasali na si mama dun. Kaya di ko pinalampas ang araw na to dahil kami hindi lang naging baliw sayo kundi naging inspirasyon ka din sa aming lahat. We love you po Ms. Yaya Dub! #nothingisimpossible,” bahagi ng caption ni Maymay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending