GMA naaawa kay Super Tekla kaya binibigyan pa rin ng raket | Bandera

GMA naaawa kay Super Tekla kaya binibigyan pa rin ng raket

Ronnie Carrasco III |October 07,2017
facebook
share this

GMA naaawa kay Super Tekla kaya binibigyan pa rin ng raket

Ronnie Carrasco III - October 07, 2017 - 12:15 AM

SUPER TEKLA

KUMBAGA sa plantilya, a designation of sorts had to be created para bigyan lang yata ng puwang si Tekla sa TV.

“Gimik guest” kasi ang posisyon niya sa episode mamayang gabi ng Celebrity Bluff, and I suppose kinailangang magdagdag ng budget cost para sa kanya.

Ang tanong: kelan matatapos ang pa-guest-guest lang ni Tekla para ganap nang maging mainstay sa lingguhang comedy game show? May kailangan pa bang patunayan si Tekla para maging regular na siya?

Masuwerte pa pala kesa kay Tekla ang One Up na regular nang napapanood sa CB, samantalang hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ang baklitang komedyante sa limbo ng kanyang hosting career.

Almost like Tekla na nakikipagsapalaran sa buhay ay ganito rin ang peg ng mga competing teams tonight as they outdo each other para masungkit ang kalahating milyong pisong jackpot prize (subukan n’yo na lang kayang maglaro sa Solaire, baka maging instant millionaire pa kayo!).

Aling koponan kaya nina Pekto (as Chuchi Ingrata)-Kaladkaren, Joyce Pring-Papa Dudut at Matt Evans-Mart Escudero will advance to the final round? Mahulog kaya sila sa bitag ng pamba-bluff nina Edu Manzano, Boobay at Brod Pete?

Abangan mamayang gabi sa Celebrity Bluff!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending