Horoscope, October 07, 2017

By Madam Sophia October 07,2017
share this

Horoscope, October 07, 2017

By Madam Sophia October 07,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Magnilay at magdasal! Sa tahimik na bahay dalanginan, mas lilinaw ang isipan kung paano masosolusyunan ang problema. Sa pag-ibig, kapag payapa na ang puso at isip, isang maligayang relasyon ang kusang babalik. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag maging barombado at mataray. Sa pinansyal alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung lagi kang galit at mainit ang ulo, lalo kang papangit. Mapalad ang 6, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your heart is aching.” Pink at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ganyan talaga ang buhay kung minsan ay magastos at madaling maubos ang pera. Ganon paman, ang salaping nawala ngayon ay maibabalik din sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, sa panahong may karamdaman, lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalada ng 4, 15, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa ng mag-invest. Sa pag-ibig, pahalagahan ang araw na ito, sa iyong pag-uwi pasalubungan ng matamis na halik ang minamahal. Mapalad ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Silver at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag magdesisyon ng nakabatay sa damdamin! Hindi awa ang dapat, kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig kapag mayaman ka na mas madali mo ng makakamit ang kaligayahan. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag katamaran ang kasalukuyang ginagawa – dyan ka kumikita ng pera. Ituloy lang ang kasalukuyang hanap buhay, darating ang araw aangat din ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyong walang kuwenta. Mapalad ang 1, 19, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak, tigilan na ang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Sa pinansyal, kailangan kang mag-ipon upang ikaw ay yumaman. Hindi katulad ngayon na gasta ka lang ng gasta. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Red at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa pinansiyal, ibat-ibang kulay ng bulaklaking halaman ang magbibigay sa iyo ng kakaibang suwerte. Sa pag-ibig, akitin ang minamahal sa pamamagitan ng paglalambing. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Ipapahamak ka lang nila. Sa mga mababait at walang kibong mga nilalang ka makipag-transaksyon. Sa pag-ibig, piliin ang isang taong cute at tahimik. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Apoy ang mapalad mong elemento. Magbenta ng kandila sa nalalapit na Araw ng mga Patay, malaking halaga ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa isang Gemini. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 15, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation. Mapalad ang 1, 10, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Gold at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Alam mo kung bakit magulo ang isip mo? Lagi mo kasing ginagawa ang gusto mo. Subukan mong gawin yong ipinapagawa sa iyo ng mahal mo sa buhay. Makikita mo, higit kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ng 4, 10, 19, 33, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Verbana-Hastata-Verbana.” Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Tanging ikaw ang makapagpapabago ng sariling kapalaran. Itakda at isulat sa malinis na papel, ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, tumuklas ng ibang paraan sa romansa, upang hindi mabato at manlamig ang ka-relasyon. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Green at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending