Atat nang magka-boyfriend (2)

By Joseph Greenfield October 06,2017
share this

Atat nang magka-boyfriend (2)

By Joseph Greenfield October 06,2017
share this

Sulat mula kay Cha  ng Pastrana, Leyte
Dear Sir Greenfield,
November 16, 1993 ang birthday ko. Sa ngayon ay wala akong boyfriend pero may manliligaw ako. Siya ‘yung laging bumibili sa aming tindahan at kapitbahay lang din namin siya. Cute siya at mahiyain pero ang guwapo-guwapo. Kapag bumibili siya sa tindahan, kinikilig talaga ako, lalo na kapag nagngingitian kami. Kaya lang parang may pagkatorpe siya at mahiyain. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung siya na ba ang magiging boyfriend ko kahit sa ngayon ay puro tingin lang siya at palipad-hangin, at hindi naman nagtatapat ng pag-ibig niya? Kaya ako naman tigas ang pagpapa-cute ko sa kanya at nagte-text na din kami ng mga sweet message. April 2, 1992 ang birthday nya. Compatible ba kami at siya na kaya ang magiging first boyfriend ko at makakatuluyan? At kung siya na, kailan kaya mangyayari na magaging kami?
Umaasa,
Cha ng Pastrana, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Aries naman ang lalaking sinasabi mo ay hindi masyadong compatible. Ganoon pa man, dahil ang Scorpio at Aries ay kapwa may ruling planet na Mars, kahit paano makakabuo din kayo ng isang lehitimo at masayang relayson, pero hindi naman ito pangmatagalan.
Numerology:
Bagamat compatible ang birth date mong 16 sa birth date na 2, ng lalaking crush mo, ay tulad ng nasabi na, magiging boyfriend mo siya sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, at hanggang sa darating na kapaskuhan, lalong sasaya at iigting ang inyong pagmamahalan.
Luscher Color Test:
Sa sandaling nagka-break na kayo ng boyfriend mo, ang palatandaan ng next boyfriend mo na magpapaligaya na sa iyo habang buhay ay sa una n’yong pagkikita siya ay nakasuot ng damit na kulay puti o kaya’y itim. Kapag may dumating sa iyo na ganyang lalaki na nakilala mong bigla, siya ang ikalawang magiging boyfriend mo at pang habang buhay ng makakasama.
Huling payo at paalala:
Cha, ayon sa iyong kapalaran suwerte ka dahil magiging boyfriend mo naman ang lalaking crush mo na kapitbahay n’yo. At ang inyong relasyon ay nakatakdang mabuo sa buwang ito ng Oktubre hanggang Disyembre, dahil pagdating ng Enero, tuluyan na siyang pupunta ng Maynila o ng Luzon upang doon makikipagsapalaran. Sa inyong paglalayo, hindi na uli kayo magkakaroon ng komunikasyon, ngunit may darating naman sa iyong bagong lalaki na may zodiac sign na Cancer. Ang lalaki na ngang ito, bilang ikalawang mong boyfriend, ang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya na, nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2020 sa edad mong 27 pataas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending