Jericho naluha sa ‘Asian Drama King’ tribute | Bandera

Jericho naluha sa ‘Asian Drama King’ tribute

Ervin Santiago |October 06,2017
facebook
share this

Jericho naluha sa ‘Asian Drama King’ tribute

Ervin Santiago - October 06, 2017 - 12:10 AM

JERICHO ROSALES

TAMPOK ang apat sa mga tinitingalang artista ng henerasyon ngayon na sina Sam Milby, Yam Concepcion, Yen Santos at Jericho Rosales sa isang kwentong tungkol sa kasal, pamilya, at pag-ibig sa pinakabagong primetime serye ng ABS-CBN na Love will Lead You Back.

“Hindi ito katulad ng mga nakaraang serye na ang ihinahain ay ang pagtataksil. Sa amin naman ay paano ka mananatiling tapat o faithful sa partner mo. Makikita mo rin dito kung paano haharapin ng mga karakter namin ang kani-kanilang relasyon,” sabi ni Echo sa naganap na media announcement ng ABS-CBN.

Magsasama sa unang pagkakataon sa serye sina Jericho at Sam habang reunion project naman na matuturing ito ni Sam sa direktor ng show na si FM Reyes.

“Sobrang excited na ako sa serye na ito kasi ‘yung unang kong teleserye na Maging Sino Ka Man, si FM Reyes ang direktor. Ngayong, pagkatapos ng 12 taon makakatrabaho ko ulit siya,” saad ni Sam.
Balik sa pagiging leading lady sina Yen at Yam na kapwa excited na na simulan ang proyekto.

“Dati kasi pinanonood ko lang sila. Ngayon kasama ko na sina Echo at Sam,” ani Yam na nang-aagaw din ng eksena sa number one primetime series na Ang Probinsyano.

“Hindi katulad ng mga dating kong role na light lang, dito mas mature yung character at may asawa na ako dito,” sey naman ni Yen.

Bukod sa nangyaring media announcement ay sinorpresa din ng production team ng Love Will Lead You Back si Jericho na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Sept. 22. Isang video kung saan binati siya ng mga nakatrabaho niya sa industriya tulad nina Claudine Barretto, Anne Curtis, Bela Padilla, Erich Gonzales, Maja Salvador at Piolo Pascual ang kanilang inihanda.

Naging emosyonal naman si Jericho sa tribute video ng mga nagawa niya sa nakalipas na 20 taon at kung bakit siya karapat-dapat bansagang Asian Drama King. Ang mga nagawang teleserye kasi ni Echo ay patuloy na tinatangkilik ng international audience particular sa Asya, Africa, Eastern Europe at Latin America.

Kasama rin sa sa cast sina Allan Paule, Lotlot de Leon, Amy Austria, Cris Villanueva, Christian Bables, Hero Angeles at Gab Lagman.

Mapapanood na very soon ang Love Will Lead You Back sa ABS-CBN. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending