Sampalan: Erich duguan, Lovi namaga ang leeg | Bandera

Sampalan: Erich duguan, Lovi namaga ang leeg

Ervin Santiago |October 04,2017
facebook
share this

Sampalan: Erich duguan, Lovi namaga ang leeg

Ervin Santiago - October 04, 2017 - 12:01 AM


NAMAGA ang leeg ni Lovi Poe, habang duguan naman si Erich Gonzales matapos ang magkasakitan sa shooting ng kanilang pelikula, ang “The Significant Other”.

Naging makatotohanan ang sampalan scene ng dalawang aktres na parehong na-carried away sa kanilang mga ginagampanang character.

Ibinahagi ng radio host-actor at kaibigan nating si Papa Ahwel Paz sa kanyang Instagram account ang nangyari sa kanilang shooting. Nag-post pa siya ng mga litrato nina Lovi at Erich na kuha habang kinukunan ang mga nasabing eksena, kabilang na rito ang photo ni Erich kung saan makikita ang mga tulo ng dugo sa suot nitong gown.

“Ang sampalan nina Lovi Poe at Erich Gonzales na nauwi sa totohanan. (previous post: ERICH GONZALES nagtamo ng sugat sa sampalan nila ni Lovi Poe na naging totohanan. Nanginiginig sa takot si Erich dahil duguan ang kamay na nahiwa sa hikaw ni Lovi. Maga ang leeg ni Lovi.

“Nahinto ang shooting ng The Significant Other dahil sa mga sugat na natamo ng dalawa. Nag-sorry si Lovi at tumalikod. Naiwan si Erich sa backstage na umiiyak at nanginginig,” ang IG post ni Papa Ahwel.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Erich kahapon, sinabi nitong trabaho lang ang nangyari at walang personalan. Wala rin daw dahilan para magalit siya kay Lovi dahil inaasahan na nilang magiging pisikalan ang gagawin nilang mga eksena.

“Wala namang war to begin with, my God!” ang maikling pahayag ng Kapamilya actress.

Mariin ding itinanggi ng leading man nila sa nasabing pelikula na si Tom Rodriguez, na nagkapersonalan ang kanyang mga co-stars.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending