Quantcast

Horoscope, October 04, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Suwerte ang kulay na yellow at red! Ang dalawang kulay na iyan ang isuot mo ngayon at siguradong dadami ang iyong pera at magkakaroon ka ng masarap na karanasan sa larangan ng pag-ibig at romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ananda-Magra.” Bukod sa red ang yellow ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Malapit na ang Pasko! Hindi mo ba naaalala, noong nakaraang taon, kapag malapit na ang Pasko ay sinusuwerte ka? Babalik ng siksik-liglig ang dating suwerte—maraming salapi at masarap na romansa ang matitikaman. Mahiwaga mong mantra: 3, 9, 18, 28, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manu-Om-Namo.” Red at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Gabi-gabi basahin ang Unang Salmo sa Lumang Tipan sa Biblia. Iyan ang magsisilbing orasyon mo sa loob ng apat na buwan. Makikita mo, kapag nagawa mo iyan ay uunlad, yayaman at magiging maligaya ka. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 46 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Bilisan mo ang pagkilos, malapit nang magpasko! Walang duda, sa Paskong darating ay salapi ang nakapagpapasaya ng bawat puso at ng buong pamilya kaya nga kailangang bago pumasok ang Christmas Season ay maraming-marami ka nang pera. Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Panatiliin ang pagiging mabait at may mabuting kalooban. Nakikita ng langit ang iyong ginagawa. Kaya sa araw na ito ay maraming magagandang pangyayari at kakaibang suwerte ang bubuhos sa iyong karanasan. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 44, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Red at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag nang mag-isip ng mamahaling regalo sa Pasko, ang makasama ang kasuyo sa isang romantikong lugar ay sapat na. Sa pinansyal, ipunin ang malaking halaga ng salapi na matatanggap ngayong Holiday Season at gamiting pangnegosyo sa susunod na taon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Lilac at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Matutong lumingon sa pinanggalingan! Mamayang hapon, i-blow-out ang mga taong tumulong sa iyo upang makamit ang tagumpay. Mamayang gabi uwian ang kasuyo ng pasalubong—bagay na malambot, masarap, matamis at bilog. Mapalad ang 3, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Gawin mo ang ganitong pagtatanong sa sarili ngayon: “Five years from now, ano ang gusto kong maging status ng aking buhay sa aspetong pang-pinansyal?” Isulat sa notebook ang sagot! Makikita mo, after six years, kusang matutupad ang iyong isinulat. Mapalad ang 3, 9, 18, 36, 40 at 49. “Sargos-Sha-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Halik ang lulunas sa kalungkutan. Pagdating ng bahay, bigyan ng matamis na halik sa labi ang kasuyo. Kung wala kang kasuyo, bigyan ng mahigpit na yakap at halik ang mga anak o ang inyong mga magulang. Sa emotional therapy na nabanggit, mapapanatag na ang iyong kalooban. Mapalad ang 7, 9, 25, 20, 29, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang karamdamang nararanasan ay dala lamang ng pabago-bagong panahon! Kumain ng maraming gulay at prutas upang mas madali kang maka-recover. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay magpahagod ng noo at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 4, 13, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung may magagandang biyayang natatanggap, dapat lagi kang nagpapasalamat! Sa ganyang paraan, lalo kang gagantimpalaan ng Maykapal. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo na madali mong nauuto. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Magenta at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sabi ko sa iyo, simulan mo nang buuin sa isipan ang mga chapter ng isusulat mong libro. Dahil kung hindi ka man nagtagumpay sa buhay na ito, sa pagsusulat ng libro ay magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 35, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Orange at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — “A hard road to glory” ang lagi mong isiping pormula upang magtagumpay! Magsikap na mabuti at kailangang matutuhan mong gamitin ang mga leksyon na nagdaan upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, konting tiis na lang, malapit ka nang lumigaya. Mapalad ang 2, 6, 12, 30, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Jawala.” Magenta at yellow ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement