Bakasyon ni Mayor extended para makaiwas sa threat | Bandera

Bakasyon ni Mayor extended para makaiwas sa threat

Den Macaranas |October 04,2017
facebook
share this

Bakasyon ni Mayor extended para makaiwas sa threat

Den Macaranas - October 04, 2017 - 12:10 AM

EXTENDED ang bakasyon sa abroad ng isang local official at ito ay walang kinalaman sa kanyang sakit kundi sa banta diumano sa kanyang buhay.

Two months ago ay nag-file ng leave of absence si Mayor dahil kailangan daw niyang magpunta sa abroad para magpa-check up.

Makalipas ang dalawang linggo ay sumunod doon ang kanyang buong pamilya.

Utos daw ito ni Mayor para magmukhang kailangan talaga na may mag-asikaso sa kanya habang nagpapagamot sa kanyang sakit sa puso at diabetes.

Sinabi ng ating Cricket na ang totoo ay nangangamba si Sir sa kanyang kaligtasan dahil sa pagkakasangkot niya sa ilegal na droga.

Hindi na alam ni Mayor kung saan nagmumula ang banta dahil sa kanyang mga nakabangga sa ilegal niyang gawain.

Pwede kasing mga alagad ng batas ang mag-operate sa kanya o kaya naman ay mga miyembro ng sindikato na kanilang karibal sa negosyo.

Idagdag pa rito ang mga kalaban niya sa politika na nag-aambisyon rin na maagaw sa kanya ang pwesto sa kahit na anong paraan.

Sinabi ng ating Cricket na totoong may sakit si Sir pero manageable naman ito hanggang sa dumanas siya ng grabeng stress dahil sa mga pananalita at pagbabanta ng Pangulo.

Very visible rito ang pagnipis ng kanyang buhok at pagbagsak ng kanyang timbang.

Kahit na nagdagdag pa ng mga bodyguards ay halatang laging balisa si Sir dahil sa pinoproblema niyang banta sa buhay.

Habang nasa abroad ay regular naman ang pakikipag-ugnayan niya sa kanyang mga staff dahil minomonitor rin niya ang vice mayor sa kanilang lungsod na nag-aambisyon rin sa posisyon ni sir bilang mayor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang local official na gusto munang magrelax sa abroad dahil daw sa banta sa kanyang buhay ay si Mayor M…as in Makanto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending