Quantcast

Lagay ng LTO plates

By

KUMUSTA na ang LTO?

Matagal-tagal na rin mula nang mabayaran ng karamihan ng mga may sasakyan ang bagong plaka.

Hindi naman tinanong ng Land Transportation Office ang mga may-ari ng sasakyan kung gusto nilang palitan ang kanilang plaka o kung sira na ba ito o hindi na mabasa kaya kailangan ng baguhin.

Pero no choice ang mga may-ari kundi ang magbayad dahil hindi mare-renew ang kanilang rehistro.

Kung hindi ako nagkakamali lahat ng lumang plaka ay gustong palitan ng LTO para maging uniform ang itsura. Tinawag nila itong license plate standardization program. Naging iba-iba na kasi ang itsura nito sa paglipas ng panahon.

Ang tanong ay kung ano na ang nangyari sa perang ibinayad ng mga nagparehistro?

Ayon kay Atty. Leo Romero, mula 2014 hanggang 2016 ay umabot sa P7.8 bilyon ang nakolekta ng LTO kaya nagtatanong din siya ng “where is the money?”

Noong nakaraang taon ay lumabas ang ulat na ibinigay ng Bureau of Customs ang 320,000 license plate (plaka ng sasakyan para sa namamasadang driver) sa LTO. Ang mga plaka ay nakalagay sa 11 container van at para sa mga bago at lumang sasakyan at motorsiklo.

Nagkagulo-gulo ang programa sa plaka nang maglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order at ipinahinto ang LTO sa pamimigay ng bagong license plates. Hindi raw kasi nagbayad ng tamang buwis sa BoC ang PPI-JKG Philippines Inc., ang supplier ng LTO.

Ang ibig bang sabihin na ido-donate na lamang ng BoC sa LTO ang mga plaka at hindi na babayaran ang supplier? Kasi kinumpiska ng BoC ang mga plaka, ibig sabihin ang may-ari na nito ay ang gobyerno, di ba?

Pano na ngayon yung ibinayad para sa plaka?

***

At ngayon ito pa ang bagong isyu.

Kinukuwestyon ni Romero ang ginawang public bidding ng LTO sa ilalim ni Pangulong Duterte para sa mga bagong plaka.

Ang sabi ni Romero naglathala ang LTO ang invitation to bid para sa kontrata ng mga bagong plaka na nagkakahalaga ng P998.8 milyon.

Wala namang masama doon, di ba? Tama lang naman na mag-imbita ng bidder at magkaroon ng public bidding.

Pero ang sabi ni Romero, ang kuwestyunable ay kung saan kukunin ng LTO ang pondo para rito. Aniya, wala sa ilalim ng 2017 General Appropriations Act ang naturang pagkakagastusan.

Ang alam ko, dapat nasa GAA ang gagastusan ng pondo. Kaya nga ginagawa ang GAA para malinaw kung saan gagamitin ang perang inaasahang kikitain at uutangin ng gobyerno.

Hindi ko pa naririnig ang paliwanag ng LTO tungkol dito. Baka naman meron silang alam na pondo na hindi alam ni Romero.

Bukod pa rito, kinukuwestyon din ni Romero ang mga sumali sa bidding ng LTO dahil magkakaugnay umano ang mga kompanyang sumali— ang JH Tonnjes East GmbH na nanalo sa bid na P978.8 milyon, at ang EHA Hoffman International GmbH na pumangalawa sa bid na P980 milyon.

Ang ikatlong bidder na Utsch AG ay na-disqualified.

Feeling ni Romero ay inayos ang bidding.

Nagamit na ni Pangulong Duterte ang dalawa sa kanyang anim na State of the Nation Address pero ganun pa rin, madami pa ring problema sa LTO.

Marami na ang naghahanap ng pagbabago mula sa pinipintasang tuwid na daan.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement