Quantcast

Makapagsi-seaman ba? (2)

By

Sulat mula kay Gordon ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Problema:
1. Tapos po ako ng Marine Transportation ang problema masipag naman po akong mag-aplay sa barko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakasampa. Gustong-gusto ko pong makapag-abroad para matulungan ko ang a-ming mga magulang sa probinsya na naghihirap sa kasalukuyan.
2. Ako naman po kalahating taon na dito sa Maynila hanggang nga-yon wala pa ring linaw ang pag-aaplay ko. Sa palagay nyo makakasampa pa kaya ako sa barko at kung makakasampa pa, kailan naman kaya ito magaganap?
3. Balak ko ding magnegosyo at magpayaman kapag may puhunan na. Ano po ba ang magandang negosyo at may pag-asa din kaya kaya akong yumaman? August 14, 1989 ang birthday ko. August 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Gordon ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ay nagsasabing sa tulong ng isang kaibigang may zodiac sign na Sagittarius , ikaw ay madaling makapagbabarko sa buwan ng Mayo o kaya’y Agosto sa susunod na taong 2018.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing kapag nakaipon ka na ng sapat na puhunan, mainam na negosyo sa iyo ang tindahan, grocery at iba pang paninda na pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Sa negosyo nabanggit ka uunlad at yayaman.
Luscher Color Test:
Mapalad ka sa kulay na dilaw, silver at pula. Lagi mong isuot at gamitin ang nasabing mga kulay upang magtuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran.
Graphology:
Masyadong maliit ang iyong lagda. Lakihan mo ang iyong sulat kamay at ang iyong pirma, upang lumaki din ang iyong mga pangarap at accomplishment sa buhay.
Huling payo at paalala:
Gordon ang mahalaga sa ngayon ay magpatuloy ka lang at wag mainip sa pag-aaplay mo sa abroad. Sapagkat sa susunod na taong 2018 ngingiti na ang suwerte sa iyong kapalaran sa buwan ng Mayo o kaya’y Agosto sa edad mong 29 pataas may isang mabunga at mabiyayang pangi-ngibang bansang itatala sa iyong kapalaran at ang pag-aabroad o pagbabarkong ito ay tuloy-tuloy na hanggang sa umunlad at umasenso ang iyong kabuhayan at makaipon ng puhunan na magagamit mo naman sa pagnenegosyo at sa dara-ting na panahon ay sa lalo pang lumago ng lumago ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan ka ng yumaman sa taong 2044 sa edad mong 55 pataas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement