Pia: Kami pa rin ni Marlon, pero wala pang kasalan! | Bandera

Pia: Kami pa rin ni Marlon, pero wala pang kasalan!

|October 02,2017
facebook
share this

Pia: Kami pa rin ni Marlon, pero wala pang kasalan!

- October 02, 2017 - 12:15 AM

PIA WURTZBACH AT MARLON STOCKINGER

“KAMI pa!” Ito ang mariing sinabi ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Sa panayam kay Pia ng entertainment media matapoa rumampa sa red carpet ng Star Magic Ball 2017 last Saturday night, sinabi nitong maayos at going strong pa rin ang relationship nila ni Marlon.

Ayon sa dalaga, nagdesisyon sila ng binata na huwag nang masyadong mag-post ng mga ginagawa nilang dalawa sa social media para, nais nilang gawing pribado na lang muna ang kanilang relasyon.

“Okay naman kami, parang hindi naman din kasi kailangan lagi may pinopost online,” ang sey ni Pia.

Pero nilinaw ng beauty queen na wala pa silang plano ni Marlon na magpakasal, marami pa raw siyang priorities sa buhay niya ngayon at hindi kasali roon ang pagse-settle down.

“Iba-iba kasi yan bilang babae, sa akin wala pa. In-eenjoy ko pa yung career ko yung pag-uwi ko dito sa Pilipinas, sa ABS-CBN, so ito muna ang focus ko ngayon,” chika pa ni Pia.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending