Makapagsi-seaman ba? | Bandera

Makapagsi-seaman ba?

Joseph Greenfield |October 01,2017
facebook
share this

Makapagsi-seaman ba?

Joseph Greenfield - October 01, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Gordon ng Bagbag, Novalcihes, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Tapos po ako ng Marine Transportation ang problema masigpag naman po akong mag-aplay sa barko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakasampa. Gustong-gusto ko pong makapag-abroad para matulungan ko ang aming mga magulang sa probinsya na naghihirap sa kasalukuyan. Ako naman po kalahating taon na dito sa Maynila hanggang ngayon wala pa ring linaw ang pag-aaplay ko. Sa palagay nyo makakasampa pa kaya ako sa barko at kung makakasampa pa, kailan naman kaya ito magaganap? Balak ko ding magnegosyo at magpayaman kapag may puhunan na. Ano po ba ang magandang negosyo at may pag-aasa din kaya kaya akong yumaman? August 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Gordon ng
Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang may malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) na namataan sa iyong palad. Ibig sabihin hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, sa halip magpatuloy ka lang sa pag-aaplay, sapagkat darating at daratig din ang saktong panahong itatala sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabibiyang pangingibang bansa.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Five of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matutupad ang iyong pangarap na makasampa sa barko at ang nasabing pagbarko ay nakatakdang mangyari sa taong 2018 sa buwan ng Mayo o kaya’y sa buwan ng Agosto.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending