Regine naispatan sa loob ng ABS-CBN; lalayasan na ba ang GMA? | Bandera

Regine naispatan sa loob ng ABS-CBN; lalayasan na ba ang GMA?

Julie Bonifacio |October 01,2017
facebook
share this

Regine naispatan sa loob ng ABS-CBN; lalayasan na ba ang GMA?

Julie Bonifacio - October 01, 2017 - 12:05 AM


SA ‘di inaasahang pagkakataon ay nakasalubong namin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez paglampas ng Dolphy Theater habang naglalakad mula sa audience entrance papasok sa loob ng old building ng ABS-CBN kamakailan.

‘Pagtama ng aming mga mata, pareho kaming nagkagulatan ni Regine. Ngumiti agad ang Songbird sa amin pati na ang ilang kasama niya kabilang na ang younger sister niya na si Dianne.

Hindi agad kami nakapagsalita nu’ng makita namin si Regine. But in fairness to her, siya pa ang naunang bumati sa amin sabay tanong kung ano’ng “ganap” namin sa loob ng Kapamilya network.

Sinagot naman namin si Regine at pagkatapos ay nag-high five siya sa amin. Then, pumasok na siya sa loob ng ABS-CBN compound with her entourage. Gusto pa sana namin siyang tanungin kung anong ginagawa niya roon pero nahiya na kami dahil mukhang may hahabulin pa siyang schedule.

Fully made-up and sporting a new short hairstyle ang Songbird. Napakaseksi rin niya with her red sleeveless knee-high dress. Sa hitsura ni Regine that night, mukhang may contract signing siya with the Kapamilya network, or baka may pipirmahan siyang exclusive movie contract sa Star Cinema?

Ang laki na nang ipinayat ni Regine at mukhang bumata, huh! Kering-keri pa rin niyang maging leading lady ulit ni Piolo Pascual o ni Aga Muhlach.

Anyway, dahil hindi namin natanong si Regine kung anong dahilan ng pagpunta niya sa ABS-CBN, naisip na lang namin na maaaring galing siya sa isang event at sinundo ang kanyang mister na si Ogie Alcasid na almost present sa lahat ng musical shows ng Kapamilya network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending