Dingdong umamin: Hindi na kami masyadong nagkikita at nag-uusap ng asawa ko! | Bandera

Dingdong umamin: Hindi na kami masyadong nagkikita at nag-uusap ng asawa ko!

Ervin Santiago |October 01,2017
facebook
share this

Dingdong umamin: Hindi na kami masyadong nagkikita at nag-uusap ng asawa ko!

Ervin Santiago - October 01, 2017 - 12:05 AM

INAMIN ni Dingdong Dantes na hindi na sila masyadong nagkakausap at ng kanyang asawang si Marian Rivera dahil pareho na silang busy sa kani-kanilang primetime teleserye sa GMA 7.

Ayon sa Kapuso Primetime King, bihira na silang makapag-bonding nang bonggang-bongga nitong mga nakaraang linggo dahil nga nagsabay na ang paggawa nila ng serye.

Nakausap namin si Dong sa taping ng GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood 2 sa Marikina kamakailan kung saan kinukunan ang ilang maaaksyong eksena nila nina Andrea Torres, Jay Manalo, Gabby Eigenmann at Edu Manzano.

“Kailangan lang talaga may management sa oras. Halimbawa ‘yung trabaho niya MWF kami dito sa ARH ay TTHS so mapalad kami ‘yung GMA na consider nila ‘yun kasi siyempre para sa kanila mahalaga pa rin ‘yung family, so iniisip din nila ‘yung pagiging parents namin ni Marian,” pahayag ni Dingdong nang makausap namin siya habang naghihintay siya ng kanyang susunod na eksena.

“Sa totoo lang, hindi na kami masyadong nag-uusap ni Marian kasi bihira na nga kaming magkita. Pero pag may opportunity pag weekends magkakasama kami. Hindi naman permanent yung ganitong trabaho di ba?

“‘Yung isang project ko (bagong movie with Star Cinema), one of many lang mula noong nagsimula kami. Kaya iniisip na lang namin everything is for the future of my family,” sey pa ni Dingdong.

Napag-usapan naman daw nila ni Marian kung paano mabibigyan ng quality time ang kanilang anak na si Baby Zia sa kabila ng pagiging busy nila. Aniya, si Marian pa rin naman ang aligaga sa pag-aalaga kay Zia kaya mas lalo siyang bumilib sa kanyang misis.

Basta ang lagi lang daw niyang ipinaaalala kay misis ay doblehin ang pag-iingat lalo na sa mga ginagawa niyang action scenes, “Kailangan siyang mag-ingat, baka pag uwi ko bali-bali na ang buto (niya). Super Mom ka dapat muna bago Super Ma’am.”

Ibinandera naman ni Dingdong ang marami pang pasabog sa mga susunod na episode ng Alyas Robin Hood 2, lalo na ang pagsaklolo niya sa kanyang inang nakidnap ng mga kalaban ni Pepe (Dingdong) na ginagampanan ng napakagaling at award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Siyempre, may conscious effort talaga ang production ng ARH2 na mas pagandahin at mas paigtingan pa ang mga maaaksyong eksena sa serye. Sey ni Dong, “Pag gumagawa ka ng isang project ‘yung quality talaga you have to be better, or you have do better than the previous one.

“One, ‘yung technology natin ngayon mas mainam na. ‘Yung mga hindi natin ginagawa dati possibly na ngayon kaya wala ng reason para gumawa ng hindi maganda. Nakikita ko naman ‘yung competition is getting tougher,” pahayag pa ng Kapuso Primetime King.

Nape-pressure pa rin ba ang leading man nina Andrea Torres at Solenn Heussaff sa ARH2 pagdating sa ratings game o tumitingin pa rin ba sila sa competition?

“Well, its not our job. You have people doing that. Ang trabaho ko talaga is to stay true to our character gampanan siya to the best of our abilities. Siyempre, kailangan may development yung character, yung level up kumbaga. Ang gusto lang namin ay ang mabigyan ng maganda at makabuluhang palabas ang viewers at makapag-impart ng values,” hirit pa ni Alyas Robin Hood.

Napapanood pa rin ang Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad after Super Ma’am sa direksyon ni Dominic Zapata.

q q q

Isa pa sa mga dapat tutukan sa pagpapatuloy ng Alyas Robin Hood ay ang mga nakakalokang showdown nina Solenn at Andrea. Nagsimula na ngang magkainitan ang dalawang bombshell nang dahil lang sa siopao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Dong, marami pang mangyayari sa karakter nina Andrea at Solenn lalo na pagdating sa aksyon. Bilib na bilib nga raw siya sa pagiging palaban ng dalawang Kapuso sexy actress, game na game raw kasi ang mga ito sa buwis-buhay na mga eksena nila sa ARH2.

At siyempre ang inaabangan ng mga male viewers sa serye ay ang pagbibilad ng katawan nina Solenn at Andrea na talagang mas nagpapainit sa mga boys.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending