Magkakabalikan pa ba? (2) | Bandera

Magkakabalikan pa ba? (2)

Joseph Greenfield |September 30,2017
facebook
share this

Magkakabalikan pa ba? (2)

Joseph Greenfield - September 30, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Jasmin ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,

Problema:

1. Nanghihinayang ako sa relasyon namin ng boyfriend,na magdadalawang taon na sana kami sa darating na Christmas pero nagka-break kami nito lang Setember 2. Siya ay isang seaman noong nagkaka-chat pa kami at tumatawag pa sa akin, pero dahil matabang na siya, hindi nagtagal nawala na rin kami ng communications at mag iisang buwan na. Nabalitaan ko na lang bigla na umuwi na pala siya second week ng September ng hindi man lang ipinapaalam sa akin. Kaya pinuntahan ko siya sa kanilang bahay para magkausap kami pero hindi kami nagkita may nilakad siya noong araw na yon. Siya po ang first boyfriend ko at gusto ko na sanang magkabalikan kami.
2. Sa palagay nyo magkakabalikan pa kaya kami kapag nagkausap kami ng personal? Hindi nya kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. April 18, 1993 ang birthday ko at December 12, 1989 naman siya.

Umaasa,
Jasmin ng
Lapu-Lapu City

Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nagsasabing sadyang tugma at compatible naman kayo ng boyfriend mong may zodiac sign na Sagittarius, dahil ang Sagittarius at ang Aries ay kapwa tugma at compatible sa isat-isa. Ibig sabihin konting usap at pagkikita lang, maaari pang muling mabuo ang inyong pagmamahalan.

Numerology:
Ganon din naman sa Numerology kung saan ang birth date mong 18 ay tugmang-tugma din sa birth date na 12 ng boyfriend. Kung saan, magpakumbaba ka lang, humingi ng sorry at bahagyang lumuha, makikita mo, muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo.

Graphology:
Sa sandaling kayo ay nagkabalikan, wag mo ng ibalikwas pabalik sa direksyong pakaliwa ang iyong lagda. Sa halip, puro patungo sa kanan ang dapat na strokes. Sa ganyang lagda, tuloy-tuloy na ang isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.

Huling payo at paalala:
Jasmin, ayon sa iyong kapalaran sobrang laki ng posibilidad na magkakabalikan pa kayo ng boyfriend mo higit lalo sa buwan ng Oktubre o kaya ay Nobyembre, kung saan, sa nasabing buwan at panahon sa sandaling nagkausap uli kayo, walang duda, basta magpakumbaba ka lang muli ka niyang tatanggapin dahil ang totoo nito mula ng mawala at naputol ang inyong komunikasyon, tulad mo rin siya, miss na miss ka na niya at gustong-gusto na rin talaga niyang makipagbalikan sa iyo, upang minsan pa muling maging maligaya at muling maging mainit ang iyong Christmas 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending