Magkakabalikan pa ba? | Bandera

Magkakabalikan pa ba?

Joseph Greenfield |September 29,2017
facebook
share this

Magkakabalikan pa ba?

Joseph Greenfield - September 29, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Jasmin ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Dear Sir Greenfield,
Nanghihinayang ako sa relasyon namin ng boyfriend, magdadalawang taon na sana kami sa darating na Christmas pero nagka-break kami nito lang Setember 2. Siya ay isang seaman noong nagkaka-chat pa kami at tumatawag pa sa akin, pero dahil matabang na siya, hindi nagtagal nawala na rin kami ng communications at mag iisang buwan na. Nabalitaan ko na lang bigla na umuwi na pala siya second week ng September ng hindi man lang ipinapaalam sa akin. Kaya pinuntahan ko siya sa kanilang bahay para magkausap kami pero hindi kami nagkita dahil may nilakad siya noong araw na yon. Siya ang first boyfriend ko at gusto ko na sanang magkabalikan kami. Sa palagay nyo magkakabalikan pa kaya kami kapag nagkausap kami ng personal? Hindi nya kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. April 18, 1993 ang birthday ko at December 12, 1989 naman siya.
Umaas,
Jasmin ng
Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis
Palmistry:
IIsa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t magsikap ka lang na siya ay makausap, malaki ang tsansa na may awa ang kapalaran magkakabalikan pa kayo.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Seven of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kaya pala kayo nagkalabuan ng boyfriend mo ay may pinagseselosan siya sa internet or sa social media, na halos kasing edad mo rin. Ngunit sa halip na humingi ka ng sorry, tila pinagtatanggol mo pa ang nasabing lalaki na pinagseselosan ng boyfriend mo kaya lalo siyang nang-gagalaiti sa iyo sa galit. Mas mainam pang deactivate mo ang iyong FB account o kaya’y i-block mo na yong pinagseselosan niyang lalaki, upang mas mabilis na mabuong muli ang inyong relasyon.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending