Kondisyon sa placement agency | Bandera

Kondisyon sa placement agency

Liza Soriano |September 29,2017
facebook
share this

Kondisyon sa placement agency

Liza Soriano - September 29, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Dati po akong nagtatrabaho sa United States sa mahabang panahon pero naisipan ko na dito na lamang sa atin sa Pilipinas mag trabaho. May mga foreign partners ako ngayon na gustong magkaroon o mag put up ng placement agency dito sa atin. Gusto sana nila ay dalawa hanggang tatlo dahil marami naman daw job order para mangalap ng mga Pinoy na magtrabaho sa ibang bansa. I would like to ask kung pinapayagan ba ito sa atin.
Hope you can give me feedback soon. Thank you more power

Emmanuel Cortez
Bautista St.
Makati City

REPLY: Para sa iyong katanungan Mr. Cortez , sa kasalukuyan ay maaari nang mag-aplay sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng multiple accreditation ang mga foreign employer at placement agency na kumukuha ng mga manggagawang Filipino.

Salig na rin Memorandum Circular No. 6, at ayon sa Governing Board No. 3 series of 2017, ang isang foreign placement agency ay pinapayagan na bigyan ng akreditasyon na may apat na licensed recruitment agency, samantalang ang employer ay maaaring bigyan ng akreditasyon ng hindi hihigit sa limang licensed recruitment agency.

Ngunit ang multiple accreditation ay sasailalim sa ilang kondisyon.

Ang principal/employer at ang recruitment agency ay dapat magpatupad ng parehong uniform package para sa mga manggagawang Filipino.

Para maging makatuwiran ang hiling para sa ikalawang akreditasyon, nakasaad sa patakaran ng POEA na ang foreign placement agency na nagpapadala ng household service worker (HSW) ay nakapag-empleo ng may 100 HSW, samantalang para sa kanilang ikatlong akreditasyon, kailangan nakapag-deploy ang foreign agency ng may 200 manggagawa at kinakailangang mag-sumite ng Certificate of No Pending Case mula sa Adjudication Office ng POEA.

Para sa ika-apat na akreditasyon, kailangang nakapag-deploy ng may 300 manggagawa ang foreign employer, matapos ang isang taon mula sa huli nitong akreditasyon, at nakapag-sumite ng Certificate of No Pending Case mula sa POEA.

Kinakailangan din na mag-sumite ang foreign principal ng katibayan na susunod sila sa lahat ng obligasyon sa iba pang licensed recruitment agencies, kasama na ang pag-monitor sa kalagayan ng kanilang mga manggagawa. Iyon lamang mga foreign placement agency at employer na walang nakabinbin na kaso at hindi na-suspinde ang may karapatan sa nasabing pribilehiyo,

Paul Ang/ POEA
Information and Publication Service
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending