Dingdong pinipilit tumakbo sa susunod na eleksyon | Bandera

Dingdong pinipilit tumakbo sa susunod na eleksyon

Ervin Santiago |September 29,2017
facebook
share this

Dingdong pinipilit tumakbo sa susunod na eleksyon

Ervin Santiago - September 29, 2017 - 12:20 AM

DINGDONG DANTES

MULING pinabilib ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang kanyang mga tagasuporta matapos itong mag-renew ng kanyang commitment sa Philippine Marines bilang reserved force nito.

Matatandaan noong 2006 nang unang maging bahagi ng organisasyon ang Alyas Robin Hood star kung saan parte siya ng technical service battalion na kinabibilangan ng mga doktor, abogado at marami pang ibang professional.

Likas na sa mister ni Marian Rivera ang pagkakawang-gawa, lalo na sa mga kapuspalad nating mga kababayan. Kaya naman patuloy pa rin siyang inuulan ng blessings hanggang ngayon. Hanggang ngayon nga ay marami pa rin ang kumukumbinsi sa kanya na pasukin na rin ang mundo ng politika para mas marami siyang matulungan, ngunit mukhang wala talaga sa priority ng aktor ang politics.

No wonder ibang klase rin ang paghangang natatanggap niya bilang si Alyas Robin Hood dahil sa dedikasyon niya na ipagtanggol ang mga naaapi at tumulong sa mga nangangailangan. Pero enough na nga kaya ang mga prinsipyong ito ni Robin Hood para maalis sa buhay ni Pepe ang mga kasamaang ginagawa ni Emilio (Edu Manzano)? Makatulong kaya ang alyansa nila ni Yoyo Boy (Ruru Madrid) sa pagsugpo sa mga kalaban?

Iyan ang dapat abangan sa mas umiinit pang mga tagpo sa Alyas Robin Hood na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad, after Super Ma’am. Kasama pa rin dito sina Andrea Torres, Jaclyn Jose, Solenn Heussaff at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending