Zanjoe Marudo nominadong best actor sa 2017 Int’l Emmy Awards

By Ervin Santiago September 29,2017
share this

Zanjoe Marudo nominadong best actor sa 2017 Int’l Emmy Awards

By Ervin Santiago September 29,2017
share this

ZANJOE MARUDO AT ISABEL OLI

NOMIDO si Zanjoe Marudo sa 2017 International Emmy Awards para sa kategoryang Best Performance by an Actor award para sa kanyang performance sa Maalaala Mo Kaya.

Ang nasabing episode ay may titulong “Anino,” kung saan gumanap si Zanjoe bilang si Victor na kumumkop sa mga taong hindi niya kilala. Huli na nang malaman niyang magnanakaw pala ang mga tinulungan niya. Dahil dito nagkaroon siya ng sakit na paranoid schizophrenia.

Makakalaban ng Kapamilya actor sina Julio Andrade (Um Contra Todos, Brazil), Kennteh Branagh (Wallander, United Kingdom), at Kad Merad (Baron Noir, France).

Ia-announce ang mga winner sa 45th International Emmy Awards sa Nov. 20 sa New York.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending