Ellen kay John Lloyd: Hindi kita aangkinin, baby! | Bandera

Ellen kay John Lloyd: Hindi kita aangkinin, baby!

Ambet Nabus |September 28,2017
facebook
share this

Ellen kay John Lloyd: Hindi kita aangkinin, baby!

Ambet Nabus - September 28, 2017 - 12:01 AM

AYAW naming isipin na parang nananadya na itong si John Lloyd Cruz sa mga latest post nila ni Ellen Adarna sa social media, after ng very controversial trip nila sa Bantayan Island, Cebu kamakailan.

Dumating pa sa puntong kahit ang “human waste” na nasa inidoro ay nagawa pang i-post ni Lloydie na para bang sinasabi sa bashers nila ni Ellen na, “Wala kayong pakialam sa amin dahil sh***t lang kayong lahat sa amin!” Ganern!

Nakakalungkot at nakakabahala naman talaga ang nangyayari ngayon sa pagkatao ni Lloydie, pero mukhang ready naman siya sa kung anumang idudulot ng kanyang mga pinaggagagawa sa kanyang karera.

Much as we want to respect their happiness sa pamamagitan ng kanilang mga nakakalokang litrato sa social media, no matter how scandalous they appear to some, still Lloydie being the bigger and have the more wholesome image, owes a lot to the public.

Pinagkakakitaan niya ang kanyang imahe at may responsibilidad siya sa kanyang publiko lalo na sa mga bata na nagbibigay sa kanya ng mataas na paghanga.

Yun man lang sana ay maisaalang-alang ni Lloydie bago niya ibandera sa buong mundo ang matinding pagmamahal niya kay Ellen, dahil lagi pa ring nasa huli ang pagsisisi!

Unless, mag-announce na rin siya na tuluyan na niyang iiwan ang showbiz at wala na siyang pakialam kung anuman ang sasabihin ng mga tao sa kanya.

Kahapon, nabasa rin namin ang naging message ni Ellen sa kanyang rumored boyfriend. Aniya wala siyang balak “ikulong” o angkinin si JLC, “I’ll never clip your wings baby. If you want to fly then spread your wings and fly. I don’t love to take ownership. I love to connect.”

So, there!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending