Kailan magkakaroon ng regular na trabaho? | Bandera

Kailan magkakaroon ng regular na trabaho?

Joseph Greenfield |September 27,2017
facebook
share this

Kailan magkakaroon ng regular na trabaho?

Joseph Greenfield - September 27, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Joy ng San Antonio, SFDM, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabahong regular. Marami na akong inaplayan at ang sabi sa akin ay tatawagan na lang daw ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ko natatawagan. Minsan ay nakapagtrabaho na ako bukod sa contractual lang hindi naman angkop sa kurso ko ang napasukan kong trabaho. Nahihiya na nga ako sa bahay kasi ang tagal ko ng graduate ng HRM pero hanggang ngayon palamunin pa rin akong magandang career. Sir Greenfield, kailan po kaya ako makakahanap ng trabaho para hindi na kong maging pabigat sa aming pamilya na regular at angkop sa natapos kong kurso? November 27, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Joy Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kung hindi ka magiging mapili sa trabaho sa tulong ng isang kakilala, makikita mo ngayon ding taong ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre makapagtatrabaho ka na. Ito ang nais sabihin ng “gumanda at luminaw na ng Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) na may sumamang “Guhit ng Tulong” (2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Tanda na sa tulong ng isang lalaki, kusang matutupad ang inaasam-asam mo. Sa nasabing panahon, makapagta-trabaho ka na ng regular sa isang maganda at maayos na kumpanya na may kaugnayan sa pagkain.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Seven of Diamonds at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaki na dati mo na ring kakilala, sa taon ding ito ng 2017, makapagta-trabaho ka sa isang kumpanya na may logo na kulay pula.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending