Quantcast

Sideline pa more

By

BAKIT nga ba hindi makuntento ang Pinoy sa kanilang mga pinagkakakitaan sa abroad?

Kung tutuusin, hamak na napakalaki na ng kanilang kinikita kung ikukumpara naman sa parehong trabaho rito sa Pilipinas.

Kung pakikinggan natin ang kanilang mga dahilan: Palaging kulang at hindi umano nakasasapat ang kanilang kinikita para sa pamilya!

Pero kumustahin naman natin ang kanilang lifestyle?

Malaki nga ba ang ipinagbago nito? Ang dating simple, hindi na kasi puwede ngayon.

Ano-ano kaya iyon? Dati, okay na ang mag-bus o mag-jeep, ngayon, pa-taxi-taxi na! At magpupursige na makakuha kahit man lang second-hand na sasakyan. Siyempre, gasoline at gastos sa maintenance din iyon.

Ang dating namamasukan na asawa, iiwan na ang trabaho! Dati nasa public school ang mga anak, inilipat sa private. Dati isa lang ang ulam, ngayon dalawa o tatlo na, at may panghimagas pa!

Madalas na ring magbakasyon, dati isang beses sa isang taon o minsan wala pa nga! Napapadalas din ang pagkain sa labas at pagsa-shopping!

Sino nga ba naman ang hindi kukulangin niyan? Dati rati wala naman kasi ang mga iyon! Kaya ang resulta, kahit malaki na ang kinikita sa abroad at ipinadadala sa Pilipinas, palagi pa ring kulang. Dahil madami ngang dagdag na gastos na puwede naman sanang naiwasan!

At kapag usaping sideline o dagdag kita, hindi pahuhuli diyan ang ating mga kababaihan.
Kaya naman sila ang tinutumbok ng sunod-sunod na mga paalalang ipinalabas ngayon ng Hongkong Immigration Department at ng Konsulado ng Pilipinas na pinag-iingat ang mga OFW natin doon sa pagsali sa mga multi-level marketing o MLM.

Ayon kay Labor Attache Jolly dela Torre, legal man ang mga kumpanyang nagsusulong ng MLM sa Pilipinas,hindi maaaring maging bahagi nito ang ating mga domestic workers doon dahil maaaring makasuhan sila ng “breach of condition of stay” sa HongKong.

Labag sa batas ng HK ang magkaroon ng part-time job ang mga foreign workers doon, kasama na ang mga OFW, kahit sabihin pang online-job pa ang mga iyon.

Kapag MLM kasi, kinakailangang patuloy na mag-recruit ang mga miyembro nito ng bago pang mga miyembro at maraming oras din ang kanilang gugugulin dito.

Ilang mga kumpanya rin ang gumagamit ng social media at pawang mga OFW ang target nila. Kasabay ng pangakong malaking kita, magandang pay-out umano kung makapagre-recruit pa sila ng maraming OFW.
Pero bawal nga iyon kaya dapat nang tigilan ito ng ating mga OFW.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement