Unang episode ng ‘Good Son’ trending sa Pinas | Bandera

Unang episode ng ‘Good Son’ trending sa Pinas

Ervin Santiago |September 27,2017
facebook
share this

Unang episode ng ‘Good Son’ trending sa Pinas

Ervin Santiago - September 27, 2017 - 12:05 AM

TRENDING topic sa social media ang pilot episode ng bagong primetime series ng ABS-CBN na The Good Son. Sa katunayan, nanguna ang hashtag #TGSTheBirthday ng serye sa Twitter all over the Philippines.

Sa unang episode pa lang ng The Good Son ay nag-iwan agad ito ng misteryo sa mga manonood matapos mamatay ang karakter ni Albert Martinez bilang si Victor Buenavidez habang nagse-celebrate ng kanyang birthday sa piling ni Racquel (Mylene Dizon) at ng kanilang anak na si Joseph (Joshua Garcia) – ang kanyang ikalawang pamilya.

Nagulat ang kanyang first family sa biglang pagkamatay ni Victor, lalo na ang kanyang asawang si Olivia (Eula Valdez) at mga anak na sina Enzo (Jerome Ponce) at Cal (Nash Aguas), pati na rin ang kanyang kapatid na si Anthony (John Estrada).

Isinugod agad sa ospital si Victor ng kanyang ikalawang pamilya ngunit hindi na ito na-revive. Ayon sa doktor, heart attack ang ikinakamatay nito ngunit sa pagtatapos ng episode nitong Lunes, nagdesisyon ang kapatid ni Victor na si Anthony na isailalim sa autopsy ang bangkay nito.

Sa teaser ng mga susunod na episode ng The Good Son, mababatid na nilason si Victor at ‘yan nga ang kailangang alamin ng bawat taong malapit sa kanya – sino ang pumatay sa asawa ni Olivia? Ano ang motibo nito?

In fairness, talagang pinag-uusapan ngayon ang The Good Son, bukod kasi sa magagaling na ang mga artistang kasali sa serye ay talagang mahu-hook ka sa tema nito dahil sa misteryong hatid ng kuwento.

Sandamakmak nga ang mga nag-post ng kanilang mga mensahe sa social media para ibandera ang kanilang papuri sa Dreamscampe Entertainment.

“Infairness ang galing nilang lahat! Masyadong ginalingan! Clap clap clap sa pilot episode, focus tlga sa family ang TGS!”

“Basta bago siya pumunta sa bahay nina Raquel, may naimom o kinain na siya na may lason. Naramdaman niya yun nung nsa dining. #TGSTheBirthday!”

“Its a good mental exercise! Hehehehehe! Kanya kanya na kaming hula dito sa house. Feeling ko si John Estrada ang killer! Hahahahah!”

“Pag nalaman ko tlga kung sino pumatay kay Victor. Naku! Ipapatokhang ko siya! Ang hula ko si Nash Aguas dahil may lihim siyang galit sa tatay niya!”

q q q

Tuwang-tuwa si Arci Muñoz dahil siya ang napili ng Dreamscampe TV na gumanap bilang bagong boss ni Gerald Anderson sa daytime drama series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Siguradong ang karakter ni Arci bilang Alex ang bagong manggugulo sa relasyon nina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim Chiu).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para mas maging exciting ang kuwento, pasok na rin si JC Santos sa ILAI, siya naman ang gaganap bilang boss ni Bianca sa Davao. Ibig sabihin, magkakaroon muna ng kanya-kanyang love interest sina Kim at Gerald sa serye na mas magpapagulo sa takbo ng istorya ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Abangan kung paano eeksena sina Arci at JC sa pagmamahalan nina Kim at Gerald sa ILAI na napapanood pa rin bago mag-Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending