Hirit ni Vice sa mga ina na wag magpadede sa labas ng bahay binatikos ng madlang pipol | Bandera

Hirit ni Vice sa mga ina na wag magpadede sa labas ng bahay binatikos ng madlang pipol

Alex Brosas |September 26,2017
facebook
share this

Hirit ni Vice sa mga ina na wag magpadede sa labas ng bahay binatikos ng madlang pipol

Alex Brosas - September 26, 2017 - 12:10 AM

VICE GANDA

MARAMI ang nag-react when Vice Ganda said on It’s Showtime na mas mabuting sa bahay na lang mag-breastfeed ang mga nanay.

Actually, may point naman siya but many felt na hindi tama ang sinabi niya.

What’s wrong with Vice’s statement? All he wanted is for some mothers to have decency na sa bahay na lang mag-breastfeed. May masama ba doon?

Ang mga bashers talaga, lahat na lang binibigyan ng masamang pakahulugan ang sinasabi ni Vice.
Bakit, nilait ba ni Vice ang mga breastfeeding mothers? Hindi naman, ah.

Bakit, may sinabi ba siyang masasama ang mga babaeng nagpapasuso ng kanilang mga anak outside ng bahay nila? Wala rin naman, ah.

So, what are you yakking about? What he articulated is just his advice to breastfeeding moms. Marami naman kasi ang kung saan-saan na lang nagpapadede ng kanilang mga anak. May mga inang sa kalye nagpapadede o kaya sa eskinita o sa bangketa. Maganda bang tingnan ‘yan?

Isa pa, madalas ay wala namang nursing cover ang mga inang nagpapadede ng kanilang mga anak in public.

Kaysa laitin ninyo si Vice, bakit ‘di ninyo pansinin ang mga kapwa ninyo babae na naglalakad sa kalye wearing short shorts na kita na halos ang singit.

O kaya pansinin n’yo rin ang mga babaeng nagpapabayad sa mga lalaki kapalit ng ligaya.

O, kaya mga babaeng kabit na kahit amoy lupa na ay pinapatulan sa ngalan ng datung.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending