Rocco Nacino nagpapatayo na ng dream house; pumayag rumampa nang naka-underwear lang | Bandera

Rocco Nacino nagpapatayo na ng dream house; pumayag rumampa nang naka-underwear lang

Ervin Santiago |September 26,2017
facebook
share this

Rocco Nacino nagpapatayo na ng dream house; pumayag rumampa nang naka-underwear lang

Ervin Santiago - September 26, 2017 - 12:01 AM

IPINAPAGAWA na ng Kapuso leading man na si Rocco Nacino ang kanyang dream house. Ito’y bunga raw ng kanyang hard work at pagtitiyaga sa mundo ng showbusiness.

Nakachika namin si Rocco sa taping ng afternoon series nila ni Sanya Lopez na Haplos at dito nga niya naikuwento na sinisimulan na ang paggawa sa kanyang bagong bahay.

Kaya ang tanong namin kay Rocco, asawa na lang ang kulang sa kanyang buhay dahil may dream house na siya? “Oo nga, e. Pero siguro mga two to three years pa, hindi naman ako nagmamadali.”

In fairness, bentang-benta ang tambalan nila ni Sanya sa seryeng Haplos sa Afternoon Prime ng GMA 7.

At halos lahat ng RocSan fans ay gustong maging sila na sa tunay na buhay? “Oo nga, e! ‘Yung iba nga gusto nila kasal na. Ha-hahaha! Pero nakaka-overwhelm, nababasa ko rin ‘yung comments nila sa social media at nakakatuwa dahil nagustuhan nila ‘yung loveteam namin.

“But like always say, getting to know stage pa rin kami. At gusto ko ‘yung ganu’n, kahit matagal, kasi naniniwala ako na darating ‘yan sa tamang panahon, hindi pinipilit. We’re happy that the loveteam is working, at sana tumagal pa ang Haplos. Sana magkaroon pa kami ng maraming projects ni Sanya as a loveteam,” sey pa ni Rocco.

Hirit pa niya, “Ayoko rin siyang madaliin. Eight years na ako sa showbiz, and Sanya has a lot of projects to do pa, nagsisimula pa lang siya kumbaga. So, I think tama lang ang ginawa namin, trabaho muna, mas pagbutihin pa ang mga ginagawa namin para matuwa ang management, ang mga viewers.”

Diretsong tanong namin sa binata, type mo ba si Sanya? “Yes, why not? Sinong lalaki ang hindi maa-attract sa kanya. Pero feeling ko magiging selfish ako kung liligawan ko siya ngayon kasi baka mag-iba bigla ang sitwasyon. Mas mabuti siguro kung kikilalanin pa naming mabuti ang isa’t isa at i-prioritize ang trabaho namin.”

Ano ang mga qualities na nagustuhan niya sa dalaga? “Nakikita ko sa kanya noong nagsisimula ako, very hungry, very determined, that she wants to make it big sa industry. Very hardworking, ‘yun ang nakakatuwang katangian ng isang babae, na she really wants to be independent, she wants to provide for herself and her family. She’s very brave and malaking plus factor ‘yun para sa akin,” chika pa ng binata.

Samantala, ibinalita rin ni Rocco sa amin na naghahanda na siya para sa kauna-unahang pagrampa niya nang naka-underwear sa isang fashion event. Todo-todo ang pagdyi-gym at pagwo-workout ng Kapuso actor dito.

Ayon kay Rocco, napapayag siyang rumampa nang naka-underwear lang dahil feeling niya ito na yung perfect time para ipakita ang kanyang “other side”. Gugulatin na lang daw niya ang kanyang fans sa gagawin niyang pasabog sa nasabing event.

q q q

Marami pang dapat abangan ang RocSan supporters at ang mga Kapuso viewers sa mas lalo pang umiinit at tumitinding afternoon series sa GMA na Haplos.

Kailangang tutukan ng manonood ang pagtutuos nina Angela (Sanya) at Lucille (Thea Tolentino) ngayong alam na nila kung gaano kalakas ang kanilang mga kapangyarihan. May malakas na pasabog daw ang production sa mangyayaring twist sa karakter ni Sanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maibalik pa kaya sa normal ang katauhan ni Gerald (Rocco) matapos siyang gayumahin ni Lucille? Mahulog na kaya ang damdamin ni Angela sa makulit ngunit mapagmahal na si Benedict (Pancho Magno) na handang gawin ang lahat para sa dalaga?

At siyempre, kailangang abangan din ng RocSan fans ang maiinit na eksena nina Rocco at Sanya kapag nagkabalikan na sila sa kuwento. Kasama pa rin sa Haplos sina Francine Prieto, Diva Montelaba, Patricia Javier, Celia Rodriguez at marami pang iba, sa direksyon ni Gil Tejada, Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending