'Lalabas ang sungay ni Kris pag inapi sina Josh at Bimby!' | Bandera

‘Lalabas ang sungay ni Kris pag inapi sina Josh at Bimby!’

Cristy Fermin |September 26,2017
facebook
share this

‘Lalabas ang sungay ni Kris pag inapi sina Josh at Bimby!’

Cristy Fermin - September 26, 2017 - 12:10 AM

DAHIL alam ng mga bashers ang matinding kahinaan ni Kris Aquino ay du’n siya sinesentruhan ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang manakit ng damdamin ng mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila.

Puwede nating sabihan si Kris na kung anu-anong salita, pero bilang ina ay wala siyang pagkukulang kina Josh at Bimby, mag-isa niyang pinalaki ang magkapatid.

At hindi biro ang pagiging single parent. Kahit pa milyonaryo si Kris ay hindi naman pampinansiyal lang ang kailangang suporta ng kanyang mga anak. Kailangan niyang punuin ng pagmamahal ang mag-utol para hindi maramdaman ng mga ito ang mga kulang sa kanilang buhay.

Napakawalanghiya ng nagkomentong becki si Bimby. Sampung taon lang ang anak nina James Yap at Kris, pero mukhang ang basher na ang nagdedesisyon tungkol sa kasarian ng bata, natural lang na palagan ng TV host ang napakasakit na paghusga sa kanyang bunso.

Alam kasi ng basher na sa aspetong ‘yun aalma si Kris. Pintasan na ang lahat-lahat tungkol sa kanyang buhay at pagkatao at kaya pa niyang palampasin ‘yun.

Pero huwag ang kanyang mga anak na walang kalaban-laban. Oo nga’t sikat na personalidad ang kanilang ina ay wala pa ring karapatan ang kahit sino na saktan sina Josh at Bimby.

Lalabas ang sungay ni Kris Aquino kapag ang kanyang mga anak na ang inaapi. At natural ‘yun sa bawat magulang lalo na sa estado ng TV host na mag-isang pinalaki ang kanyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending