Lloydie: May binago si Ellen sa kaluluwa ko! | Bandera

Lloydie: May binago si Ellen sa kaluluwa ko!

|September 25,2017
facebook
share this

Lloydie: May binago si Ellen sa kaluluwa ko!

- September 25, 2017 - 05:20 PM

SA halip na layuan o hiwalayan si Ellen Adarna tulad ng ninanais ng kanyang mga tagasuporta, tila ipinagtanggol pa ni John Lloyd Cruz ang kanyang rumored girlfriend na si Ellen Adarna.

Hindi pa rin diretsong inaamin nina Lloydie at Ellen ang kanilang relasyon, pero sa paniniwala ng madlang pipol, matagal na silang magdyowa, base na rin sa mga pinaggagagawa nila kapag magkasama.

Sa kanyang Instagram account, muling nag-post si JLC ng sweet photo nila ni Ellen kung saan makikitag magkayakap ang dalawa habang hinahalikan ng sexy star ang aktor. May caption ito na: “This girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful.”

Ayon sa ilang social media followers ni Lloydie, ito marahil ang sagot ng aktor sa mga nagsasabing layuan na niya si Ellen matapos siyang masangkot sa malaking kontrobersya dahil sa kumalat niyang video scandal na kuha noong nagbakasyon sila sa Bantayan Island sa Cebu.

Gusto raw iparating ni John Lloyd na sa kabila ng mga kanegahang kinasangkutan niya ay hinding-hindi niya iiwan ang sexy actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending