Korean actor pinag-iisipan pa kung itutuloy ang panliligaw kay Devon | Bandera

Korean actor pinag-iisipan pa kung itutuloy ang panliligaw kay Devon

Julie Bonifacio |September 26,2017
facebook
share this

Korean actor pinag-iisipan pa kung itutuloy ang panliligaw kay Devon

Julie Bonifacio - September 26, 2017 - 12:05 AM

IN FAIRNESS, may naramdaman kaming kilig sa tambalan nina ex-Pinoy Big Brother housemate Devon Seron at Korean star Jin Ju Hyung sa grand presscon ng Pinoy-Korean collaboration film titled “You With Me” sa bagong Sedan Vertis North last Friday.

Gaya ng ibang male lead stars sa Koreanovela na napapanood natin, charming and lovable ang dating ni Jin Ju sa pagsagot niya sa mga tanong ng entertainment media kahit na may mga part na hirap siya to communicate.

When asked why he likes Devon, Jin Jun said, “She’s kind. Her personality is very nice and she’s cute.”

Para kay Jin Ju, girlfriend material si Devon. No wonder may bulung-bulungan na may mga “paramdam” na si Jin Ju sa Pinay actress sa set ng “You With Me” directed by Rommel Ricafort.

Ayon kay Devon, “Mas madalas po kaming magkasama kesa kami ni Hyun Woo (another Korean actor na bida rin sa movie). ‘Yun nga po kasi nakakapag-English siya (Jin Ju) kaya nakakapag-open-up ako sa kanya, sa mga personal na bagay po, and siya rin ganu’n sa akin.

“We got along po. Pareho kami ng personalities. Pareho kaming masayahin. Joker din siya. Napakakalog and of course, maalaga and gentleman,” paglalarawan ni Devon sa kanyang partner.

When Jin Ju’s turn naman to describe his relationship kay Devon heto ang sabi niya, “We are close friend and we always talk to each other. We can communicate easily.”

Kinilig naman ang ilang members ng media sa sagot ni Jin Ju kung sa tingin ba niya ay girlfriend material si Devon, “Yeah, for sure.”

Pag-iisipan daw niya kung ipu-pursue niya sa panliligaw ang closeness and friendship nila ni Devon. Kasunod nito, pinalakpakan si Jin Ju sa loob ng grand ballroom ng Seda Hotel sa sagot niya kung type ba niya si Devon. Say ni Jin Ju, “Gusto kita.”

Hindi naman itinanggi ni Jin Jun na nagkaroon na siya ng girlfriend before. Pero mukhang matagal-tagal na rin siyang walang karelasyon.

Ten days lang ang nakalaan sa schedule ni Jin Ju to stay in the Philippines. Hindi na pasok sa bilang ang Star Magic Ball na ginanap nu’ng Sunday. Pero baka may maganap na sorpresa kay Devon sa Star Magic Ball hindi lang kay Jin Ju kundi pati na rin si Hyun.

Tiyak na si Devon ang pinaka-happy na Star Magic female star sa gabing ‘yun at ang feeling niya, e, pagkahaba-haba ng kanyang hair daig pa niya si Rapunzel.

Anyway, dahil diyan na-excite tuloy kami na panoorin ang “You With Me” sa premiere night ng movie sa TriNoma Mall ngayong araw.

Bukas, Sept. 27, ang showing ng “You With Me” sa mga sinahen nationwide.

q q q

More on Devon Seron, pinutakte pa rin siya ng tanong tungkol sa ex-PBB housemate niya na si James Reid sa presscon ng “You With Me.”

Sa programang Tonight With By Abunda inamin ni Devon sa Asia’s King of Talk na si Boy Abunda, na nagkaroon sila ng mutual understanding ni James noon.

At the same time, may declaration si Devon na never pa siyang nagka-boyfriend since birth. Pero kahit NBSB daw siya, may mga experience na rin siya tungkol sa ligawan ngayong 24 na siya.

“Hindi ko siya hinahanap. Dumarating lang siya sa akin, at umaalis din. Ha-hahaha!”

Natanong tuloy siya kung ganyan din ba ang nangyari sa kanila ni James noon pagkatapos silang ma-link sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Ayan na naman,” sabay tawa ni Devon. “Kami naman po that time magkasama kami sa isang bahay for three months so, hindi mapagkakaila lalo na mga teenagers kami that time, na may mutual feelings. Hindi lang naman kami, pati rin sa ibang housemates. Naging open kami sa isa’t isa. Pero hanggang doon lang ‘yun. Friendship lang.”

Hanggang ngayon ay bina-bash pa rin si Devon sa social media ng fans ni James at kalabtim nitong si Nadine Lustre. Naiintindihan naman ‘yun ni Devon. At kung siya ang masusunod, ayaw na nga sana niyang pag-usapan si James. Kaya lang marami pa rin ang nagtatanong tungkol sa kanilang past.

“As much as possible ayoko silang (Jadine) bigyan ng sakit ng ulo. Pero friends kami. Nagbabatian kami ni James kapag nagkikita. So, walang isyu talaga sa amin. Ang ayoko lang, e, sana wala nang mamuong alitan,” pahayag ni Devon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Devon, hindi pa raw siya napapakilala ni James kay Nadine.

“One time nagkasalubong kami sa (It’s) Showtime ni James. Siya lang ang nakita ko. Si Nadine nasa dressing room yata. Kaya siguro hindi napakilala sa akin ni James si Nadine,” kwento pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending