Quantcast

Kalat na: Luis niregaluhan daw ng house & lot si Jessy

Umaming hiningi na ang mamanahing bahay kay Ate Vi

By

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

NILINAW ni Luis Manzano ang balitang bumili siya ng bagong house and lot para sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

May kumalat na litrato sa social media na bahay daw ni Luis at sinasabing regalo niya kay Jessy. Doon niya raw ititira ang kanyang future wife.

Last Tuesday ay galing ng Batangas si Luis kung saan niya ginagawa ang kanyang hobby na diving and photography.

“Mas tahimik kasi pag weekdays. Maraming nagda-dive pag weekends. O kaya kapag nagpo-photography ako, wala akong masyadong kaagaw sa subject. So, weekday talaga ako pumupunta,” lahad ni Luis nang makausap namin sa Shakey’s Paseo de Magallanes last Thursday.

Diretsahan naming tinanong si Luis kung true ba na may bahay na siyang binili sa Batangas for Jessy, “Wala pa. Nagulat nga ako, e, may nagsabi sa akin, ‘Uy, ang ganda ng bahay mo sa ganito.’ ‘Huh?’ Sabi ko, ‘Bakit ako may bahay du’n?’” tanong ni Luis sa sarili.

Meron daw siyang pinupuntahan na resort sa Batangas pero nagbabayad daw siya doon. “Yung Punta Fuego? Iba pa ‘yun. Ang Punta Fuego is in Nasugbu. Tsaka bahay talaga. Ang sinasabi nila, Mabini, Anilao. So, diumano’y meron akong napakagandang bahay sa Anilao. ‘Huh,’ sabi ko. Ha-hahaha!”

Ang dating bahay ng mommy niya na si Lipa Cong Vilma Santos-Recto sa Magallanes ay pinaparentahan na raw ayon kay Luis. Pero ang bukod-tanging hiningi diumano ni Luis from his mom bilang pamana ay ang bahay nito sa Greenmeadows.

In fact, pina-renovate na ‘yun ni Luis kahit nu’ng time pa na ang girlfriend niya ay si Angel Locsin. Tanong namin siya kung dito ba niya ititira si Jessy once magpakasal sila, “Sinasabi ko sa kanya, kasi ang ganda ng location, e. Kasi, may Eastwood ka, may C5, EDSA, ang lapit. Malapit sa lahat.”

q q q

Itinanggi naman ni Luis Manzano ang impression ng marami na super rich na rin siya gaya ng kanyang mommy.

“Sabi ko nga, I said it before and I will say it again, iba ang bayad sa TV host compared sa mga big stars, aminado naman ako. For example, iba ang bayad sa isang heartthrob na leading man kumpara sa TV host. But I’m not saying it’s a bad thing,” paliwanag ng binata.

Magkagayunman, keri na rin naman daw niyang bumuhay ng isang pamilya comfor-tably, “Pupuwede naman,” say ni Luis. “I’m not saying na pangit ‘yung amount (talent fee). I’m just saying, it’s a misconception na sobrang dami ng pera because tuluy-tuloy ang show ko? Hindi. But still, it’s a good pay.

Ano lang, it’s part of the misconception, kasi alam ko naman ang rates ng iba. Sila ‘yung, wala.”

Bukod sa kanyang career, may mga business naman si Luis gaya ng kanyang LBR Taxi. Tuluy-tuloy pa rin daw ‘yun at isa pa rin sa investors si Kris Aquino.

“Okey naman siya. Si Kris naman kasi was an investor. Hindi naman siya shareholder, hindi siya stock. Kumbaga, ‘yung term ni Kris sa amin ay bilang investor.” Kinlnaro rin ni Luis na hindi pa umaabot sa 1,000 ang unit nila sa LBR Taxi.

“Diyos ko! E, ‘di sana hindi na ako nagtatrabaho ngayon. Kung may 1,000 na ang taxi ko, e, ‘di halos P1 million a day ‘yun. Barely 100 pa lang, hindi naman 1,000,” sagot ng binata.

One day ay gugulatin daw tayo ni Luis sa bago niyang negosyo. Pero ini-explore rin niya ang possibility na magkaroon ng sarili niyang Shakey’s resto, “Pangalawang taon ko na sa kanila, and I’m thankful. Kumbaga, tulungan kami.”

So, ano ang bago niyang business? “Secret. Secret muna,” sabay ngiti ni Luis.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement