Mccoy gagawin lahat para mapasagot si Elisse | Bandera

Mccoy gagawin lahat para mapasagot si Elisse

|September 25,2017
facebook
share this

Mccoy gagawin lahat para mapasagot si Elisse

- September 25, 2017 - 12:10 AM

LILIGAWAN ni Hashtag Mccoy de Leon ang kanyang ka-loveteam na si Elisse Joson hanggang hindi niya nakukuha ang matamis na “oo” ng dalaga.

Sabi ng binata, handa siyang gawin ang lahat para mapaligaya at maprotektahan si Elisse. Tuloy lang daw ang kanyang pag-aalaga sa Kapamilya actress at maligaya sila ngayon dahil halos araw-araw silang magkasama.

“Sumusuyo pa lang ako. Dapat po ganoon at saka lagi kaming magkasama ngayon kaya nakaka-inspire,” ani Maccoy na isa sa mga bibida sa bagong primetime series ng ABS-CBN na The Good Son. Sila ni Elisse ang magkatambal dito.

Tinanong si Mccoy sa isang panayam kung hanggang kailan siya magtitiyagang manligaw kay Elisse, tugon ng binata, “Hanggang sa makakaya, hanggang sa magkasama kami, hanggang nagkakaintindihan kami.”

Hindi naman daw sila nagmamadali ni Mccoy na magkaroon ng seryosong relasyon sabi ni Elisse, pero naa-appreciate niya ang lahat ng ginagawa ng binata para sa kanya.

“Ganoon pa rin kami, laging masaya kapag magkasama, laging hinahanap kapag hindi magkasama,” chika ni Elisse.

Napanood na namin ang unang tatlong episodes ng The Good Son na magsisimula na ngayong gabi sa Primetime Bida kapalit ng A Love To Last. At in fairness, kilig overload ang hatid ng McLisse sa mga manonood dahil sa mga nakakatuwa nilang mga eksena. Kumbaga sila ang pambalanse ng programa sa matitinding dramahan at iyakan sa serye.

Sa katunayan, puro papuri ang nasulat at naibalita tungkol sa bagong obra ng Dreamscape Entertainment, lalo na sa ipinakitang akting nina Joshua Garcia, Jerome Ponse at Nash Aguas, pati na ang makatotohanang pagganap nina Eula Valdez, Mylene Dizon, John Estrada at Liza Lorena.

Grabe, sa pilot episode pa lang ay talagang mahu-hook ka na sa kuwento ng TGS dahil sa makapigil-hininga at pasabog na mga tagpo, kabilang na ang biglang pagkamatay ng karakter ni Albert Martinez bilang tatay nina Joshua, Jerome at Nash, asawa ni Eula at lover ni Mylene. At lahat sila ay itinuturing na suspek sa pagkalason nito.

Actually, nabitin nga ang mga miyembro ng entertainment press sa first three episodes na ipinalabas sa special screening dahil nag-enjoy na sila sa panonood. Pagkatapos ng ikatlong episode ng The Good Son ay nagpalakpakan ang audience at binigyan pa ng standing ovation ang lahat ng cast members.

Kasama rin sa The Good Son sina Loisa Andalio, Alexa Ilacad, Ronnie Lazaro, Jeric Raval, Alex Medina at Kathleen Hermoso, sa direksyon nina Manny Palo at Andoy Ranay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending