Maine nagpaka-fan girl kay Sarah G | Bandera

Maine nagpaka-fan girl kay Sarah G

Ambet Nabus |September 23,2017
facebook
share this

Maine nagpaka-fan girl kay Sarah G

Ambet Nabus - September 23, 2017 - 12:10 AM

MAINE MENDOZA AT SARAH GERONIMO

Riot sa loob ng dressing room nina Martin Nievera at Gary Valenciano dahil grabe sila kung magkulitan. Panay pa ang tuksuhan ng ilang mga nasa loob dahil labas-masok daw sa dressing room nila si Pops Fernandez.

Halatang sanay na sanay na nga si Pia Wurtzbach sa pag-estima ng mga tao. Kahit pa nga nasa dressing room lang ito o nasa hallway, lagi siyang naka-smile at walang tinatanggihang photo op. Kaya naman nang marinig naming humingi ito ng gamot sa sakit ng ulo dahil sa mas maaga ang naging call time
nila, labs na labs namin ang gesture niyang “super smile” pa rin.

Hindi namin napasok ang dressing room nina Papa Piolo Pascual at Toni Gonzaga dahil off limits daw kahit sa mga gaya naming may all access pass (kaloka di ba?), kaya wala kaming nagawa kundi umalis na lang.

Pero ang talagang nakakaloka ay ang sobrang pagiging sweet ni Maine Mendoza kasama ang mga bagets ng Eat Bulaga. Pinagkakaguluhan talaga si Maine ng mga teacher at staff, pero fan na fan din itong sumugod at nagpa-picture kay Sarah Geronimo kaya aliw na aliw kami sa kanya. Hindi tuloy kami nakasingit, pero mind you she is one very sweet girl at napakakikay!

As usual, niyakap din kami ng Pambansang Bae na si Alden Richards nang magkita kami sa said event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending