Benepisyo ng OWWA member | Bandera

Benepisyo ng OWWA member

Liza Soriano |September 22,2017
facebook
share this

Benepisyo ng OWWA member

Liza Soriano - September 22, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Ako po si Abegail Ferrer at kaalis ko lang noong nakaraang buwan papuntang Qatar. Ako po ay dalaga pa at tubong Catanauan Quezon pero nakikitira sa aking auntie sa Muntinlupa City. Isa po akong midwife. May gusto lang po sana akong malaman tungkol sa OWWA sa mga benefits na pwede kung mapakinabangan bilang isang OFW at legal naman na nagtatrabaho sa Qatar. Malaking tulong po ang mga impormasyon na inyong maibibigay sa akin sa tulong po ng OWWA. Umaasa ako na masasagot ang aking katanungan.
Salamat po

REPLY: A. Benefits

Ang OWWA ay nagkakaloob ng mga sumususunod na programa at benepisyo sa mga aktibong miyembrong marino:

1. Disability and dismemberment benefit na nagkakahalaga ng hanggang P100,000.00 kapagnaaksidente tayo sa trbaho.

2. Death Benefit na P100,000.00 kung ang aktibong miyembro ng OWWA ay namatay sa natural nakadahilanan o ‘natural cause’ gaya ng pagkakasakit; at P200,000.00 kung namatay sa aksidente, na ibibigay sa ating benipisyaryo.

3. Karagdagang Burial Benefit na P20,000.00 para sa pagpapalibing sa namatay na miyembro ng OWWA sa maiiwan nating pamilya.

4. Nagbibigay din ang ahensya ng kaukulang tulong sa mga benepisyonaryo ng mga aktibong miyembro ng namatay na amrino sa pamamagitan ng Education and Livelihood assistance Program (ELAP). Sa ilalim sa programang ito, isang ‘dependent’ natin ay mabibigyan ng educational assistance sa pamamagitan ng allowance na P5,000.00 para sa elementarya; P8,000.00 para sa high school; at P10,000.00 para sa kolehiyo. Ang educational allowance na ito ay binibigay kada taon.

5. NAgbibigay din ang OWWA ng livelihood assistance na P15,000.00 sa naiwang kabiyak, kung ang marino ay may asawa; o magulang, kung ang marino ay binata o dalaga.

Deputy Director
Josefino Torres
OWWA

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending