Maricel paiiyakin ang madlang pipol sa MMK | Bandera

Maricel paiiyakin ang madlang pipol sa MMK

Ervin Santiago |September 22,2017
facebook
share this

Maricel paiiyakin ang madlang pipol sa MMK

Ervin Santiago - September 22, 2017 - 12:15 AM

MARICEL SORIANO

NA-EXCITE ang mga loyal fans ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano sa pagbabalik niya telebisyon.

Ngayong Sabado ng gabi, muling sasabak sa drama si Maria sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Gagampanan ng award-winning actress ang karakter ni Guily, isang ina na handang gawin ang lahat para sa kanyang anak na si Jayson (JC de Vera).

Hindi man niya tunay na anak, itinuring ni Guily si Jayson na parang tunay na kadugo. Isinakripisyo ang sariling kaligayahan para sa maging mabuting ina. Sinuklian naman ni Jayson ng pagmamahal at respeto ang kanyang nanay-nanayan sa kabila ng pagiging ampon.

Ngunit paano kung biglang bumalik ang tunay niyang ina at pilit siyang ilayo kay Guily? Sino ang kanyang pipiliin?

Mula sa direksiyon ni Dado Lumibao, kasama rin sa MMK episode na ito sina Lito Pimentel, Raikko Matteo, Dimples Romana, Louise Abuel, Michael Roy Journales, Lui Villaruz at Wynril Banaag.

Noong 2003, si Maricel ay pinuri sa mahusay niyang pagganap sa MMK para naman sa life story ni Ai Ai delas Alas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending