Totoo ba, Joshua Garcia ayaw daw makipaghalikan kay Loisa Andalio? | Bandera

Totoo ba, Joshua Garcia ayaw daw makipaghalikan kay Loisa Andalio?

Julie Bonifacio |September 22,2017
facebook
share this

Totoo ba, Joshua Garcia ayaw daw makipaghalikan kay Loisa Andalio?

Julie Bonifacio - September 22, 2017 - 12:05 AM

JOSHUA GARCIA AT LOISA ANDALIO

NAGULAT si Joshua Garcia na may bagong intriga sa kanila ng dati niyang kalabtim na si Loisa Andalio. Sa pagkakaalam ng aktor ay okey na sila ng dalaga nang muli silang magkasama sa bagong Kapamilya series na The Good Son.

“Saan na naman po? Saan po?” nakangiting tanong ni Joshua nu’ng makausap namin sa ginanap na special screening ng first three episodes ng The Good Son.

Nag-viral sa social media ang kapuna-punang pangdededma raw ni Loisa kay Joshua habang iniinterbyu ni Julia Barretto sa ASAP last Sunday. Bukod doon, nagmi-make face pa raw si Loisa habang nag-uusap sina Joshua at Julia on air.

“Hindi, nandu’n po kami para mag-promote ng The Good Son. Wala naman pong dedmahan,” lahad niya.

Unang nagtambal sina Joshua at Loisa sa daytime drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. And after a couple of years, muli silang magtatambal sa bagong telerserye ng Dreamscape Entertainment na magsisimulang mapanood sa Lunes, Sept. 25, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

For sure, very challenging and at the same time malaking pressure kay Joshua ito dahil siya ang title role. But based on the first three episodes ng series, lutang na lutang ang husay at brilyo ng pagiging aktor ni Joshua.

No doubt, Joshua will be the next primetime drama prince on TV. At kapag hindi ka marunong umarte sa The Good Son, tiyak na lalamunin ka ng mga veteran stars mula kay Albert Martinez hanggang kina Eula Valdes, Mylene Dizon, Ronnie Lazaro at Liza Lorena.

And in fairness naman kina Jerome Ponce, Mccoy de Leon at Nash Aguas, lahat sila ay nagpakitang-gilas sa pag-arte. Mapapalakpak ka sa husay nilang lahat especially sa eksena kung saan iri-reveal na ang last will and testament ng karakter ni Albert para sa kanyang mga anak. Ay, grabe ‘yun!

Kitang-kita kung paano inalagaan at natutukan ng husto sina Joshua, Jerome, Mccoy at Nash ng kanilang mga direktor sa serye na sina Andoy Ranay at Emmanuel Palo. Sila ang gusto naming sampalin! (Joke!).

Anyway, hindi naman masagot ni Joshua kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Loisa. Pero tahasan niyang sinabi na hindi pa siya ready na magkaroon ng kissing scene sa The Good Son.

May nagtanong kay Joshua na baka naman mas gusto ni Joshua na si Julia ang una niyang maka-kissing scene? “Oo naman, ‘di ba? Ha-hahaha,” pilyong sagot ni Joshua.

Speaking of Julia, inamin ni Joshua na lagi niyang sinasabihan ng “I love you” si Julia. Tanong namin kung sinabihan na rin siya ng “I love you” ng dalaga? “Nararamdaman ko ‘yung pagmamahal niya,” kinilig na sabi ng binata.

Anyway, napag-alaman namin mula sa isang reliable source na nagpapahanap na si Joshua ng bagong bahay. Kinumpirma naman niya ito sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gustong-gusto kong maging komportable ang pamilya ko, e. As of now, wala pa po akong napili. Tumitingin-tingin pa lang kami kaya wala pa po,” saad niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending