Kim, Bela naging mag-bff agad dahil parehong adik sa videoke | Bandera

Kim, Bela naging mag-bff agad dahil parehong adik sa videoke

|September 21,2017
facebook
share this

Kim, Bela naging mag-bff agad dahil parehong adik sa videoke

- September 21, 2017 - 12:01 AM

MARAMI ang nagulat na mag-BFF din pala sina Kim Chiu at Bela Padilla. Kahit daw ilang buwan pa lang silang magkakilala ay agad silang naging super close.

Ayon kay Kim, nag-click agad ang friendship nila ni Bela simula nang magkakilala sila, isa raw sa mga dahilan kung bakit sila nagkasundo ay ang pagkahilig nila sa videoke.

Sa guesting ni Kim sa Magandang Buhay naikuwento ni Kim kung paano sila naging close ni Bela, “Dahil sa sayaw, sa trade launch at mayroon kaming common friend. Hanggang sa ayun na, nag-click na kami.”

“Actually two months pa lang talaga kaming mag-friends, malalim talaga ang pinagsamahan namin.You meet that person, you click and then you laugh,” hirit pa ng ka-loveteam ni Gerald Anderson sa daytime drama series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sinorpresa ni Bela si Kim sa pagbisita nito sa Magandang Buhay kung saan pinuri-puri nito ang dalaga, lalo na ang pagiging sweet at masayahin nito. Nagkasundo rin daw sila dahil pareho silang “adik” sa pagbi-videoke.

“Ako gusto kong mag-laugh, gusto din niyang mag-laugh at kumanta. Lagi kaming nagbi-videoke. As in gusto na naming umuwi pero ‘yung listahan doon sa videoke, parang ayaw kaming pauwiin,” ani Kim.

Dagdag pa ng aktres, “Si Bela kasi sobrang talino nito, sobra siyang makata talaga. So nakakabilib talaga.”

Mensahe naman ni Bela kay Kim, “Kahit sandali lang tayo magka-close parang feeling ko matagal na tayong magkakilala kasi very open ka nga. Thank you for allowing people to get to know you because that’s a very nice thing.” Inamin din ni Bela na super fan siya ng tambalang Kimerald.

Isa pa sa mga BFF ngayon ni Kim ay si Angelica Panganiban, “Si Bela ang lagi kong kausap, pero si Angelica kapag nagkita kami parang hardcore din, ‘yung parang walang nagbago, ‘yung parang magkapitbahay lang na nagkita, ‘uy kamusta?'”

Pag-amin pa ng dalaga, “Parang may time na natakot talaga akong makipagkaibigan. May time sa life ko na umabot ako doon na nagkukulong ako sa house, gusto ko mga kapatid ko lang ang mga kasama ko.

“Tapos dumating sa point na parang ay okay pa lang magkaroon ng kaibigan. After noon na meet ko sila, we laugh super hard, as in ang sakit ng tiyan ko, ang saya. Tapos pagtulog mo ang saya mo pa rin. So ang saya ng may friends.

“So nandiyan sila to support you. I’m very happy and thankful sa time and effort na pagpapasiya nila sa akin, naa-appreciate ko sila,” sey pa ng Kapamilya actress.

Samantala, nagpasalamat naman si Kim sa mga fans nila ni Gerald na patuloy na sumusuporta sa Ikaw Lang Ang Iibigin na araw-araw nagte-trending sa social media dahil sa twists and turns ng kuwento. In fairness, consistent top rater ang serye sa timeslot nito kaya naman undisputed ang pagiging Daytime Drama King & Queen nila ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At hindi lang sila ang inaabangan ng viewers sa ILAI, agaw-eksena rin lagi ang mga co stars nila sa programa, lalo na ang mga nakakabwisit na kontrabida na sina Jake Cuenca at Daniel Fernando na talaga namang kasumpa-sumpa ang kasamaan sa serye. Idagdag pa riyan ang napakagaling na pagganap nina Gina Pareño, Bing Loyzaga, Michael de Mesa at Coleen Garcia.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending