Mananaya sa Laguna naka-jackpot sa Super Lotto | Bandera

Mananaya sa Laguna naka-jackpot sa Super Lotto

Leifbilly Begas |September 20,2017
facebook
share this

Mananaya sa Laguna naka-jackpot sa Super Lotto

Leifbilly Begas - September 20, 2017 - 05:08 PM

    Isang mananaya sa Laguna ang nanalo ng jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola Martes ng gabi.     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ng P16 milyon ay tumaya sa Sta. Rosa.     Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 21-39-04-10-31-11. Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City.     Nanalo naman ng tig-P70,000 ang walong mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P600 naman ang 821 mananaya na nakaapat na numero.     Balik ang P20 taya ng 14,676 mananaya na nakatatlong numero.     Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending