Kailan magkaka-boyfriend? (2) | Bandera

Kailan magkaka-boyfriend? (2)

Joseph Greenfield |September 18,2017
facebook
share this

Kailan magkaka-boyfriend? (2)

Joseph Greenfield - September 18, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ruth ng Poblacion, Tambuling, Zamboanga del Sur
Problema:
1. Matagal na akong walang boyfriend, simula ng iniwan ako ng boyfriend kong Hapon. Actually nakapunta na ako ng Japan ang kaso inagaw sa akin ng kapwa din natin Pinoy yong boyfriend ko at imbis na ako ang pakasalan sila ang nagpakasal. Naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kailan kaya uli ako magkaka-boyfriend ng seryoso at pangmatagalan?
2. Noong dati pa-ngarap kong makapag-asawa talaga ng foreigner, pero sa ngayon mas prepare ko ang Pinoy. Kailan kaya siya darating at kailan kaya ako makapag-aasawa at anu-anong mga zodiac signs ang ka-compatible ko? April 12, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Ruth ng Zamboanga del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nagsasabing ka-compatible mo silang may fire type sign na tulad mo – Leo, Sagittarius at kapwa mo Aries. Ang isang Libra ay ka-compatible mo rin at ang isang Scorpio. Sinuman sa mga zodiac sign na binanggit ang maging boyfriend mo ka-compatible mo siya, kaya naman habang buhay kang masasrapan at liligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 12 ay nagsasabing bukod sa nsabsabing mga zodiac sign ka-compatible mo rin silang isinilang sa petsang 6, 15, 24, 9, 178 at 27. Habang tinatayang sa taong ito ng 2017, sa buwan ng Oktubre may dalawang lalaking darating. Isang kasing edad mo rin at isang medyo matanda sa iyo. Piliin mo ang mas matanda sa iyo, upang habang buhay kang lumigaya.

Graphology:
Upang tuluyang matupad na mag-kaboyfriend ka ng seryoso at magkaroon ng isang maligayang pa-milya, lagi kang magsuot at gumamit ng paborable mong kulay na pink o kaya ay pula.
Huling payo at paalala:
Ruth ayon sa iyong kapalaran, tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, magkaka-boyfriend ka na ng totohanan at seryoso, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na A.S. kung saan, ang lalaki na ngang ito ang mapapa-ngasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending