Ai Ai subok na ng panahon; maraming hugot sa 'kaibigan' | Bandera

Ai Ai subok na ng panahon; maraming hugot sa ‘kaibigan’

Cristy Fermin |September 18,2017
facebook
share this

Ai Ai subok na ng panahon; maraming hugot sa ‘kaibigan’

Cristy Fermin - September 18, 2017 - 12:10 AM

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

Bukod sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal ni Gerald Sibayan sa December 12 ay may isa pang tututukan ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

Kailangan niyang ibenta sa publiko ang pelikulang katatapos lang niyang ga-win sa Cineko Productions, ang “Bes And The Beshies”, sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

Masaya ang mga taga-Cineko dahil walang reklamo ang Philippine Comedy Queen nang makita niya ang listahan ng mga programa at malls na kailangan niyang puntahan para sa promo ng pelikula.

Sabi ng isa sa mga producers, “Mabait si Ai Ai, saka very professional siya. Kaya naman pala successful ang mga movies niya, e, nakikipagtulungan siya sa producer. Wala kaming naging problema sa kanya, madali siyang kausap.”

Kuwento ng magkakaibigang may kani-kanyang pinagdadaanan ang ikot ng “Bes And The Beshies.” Marami silang nakakaaliw na eksena nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzales at marami pang ibang personalidad.

Hindi na bago para kay Ai Ai ang kuwento ng pelikula, maraming beses na niyang naranasan sa tunay na buhay ang mabigo sa aspeto ng pakikipagkaibigan, kering-keri niya ang role na ginagampanan niya.

At totoong kung sino pa ang mga artistang nalilinya sa pagkokomedya ang angat na angat ang husay sa drama. ‘Yun mismo si Ai Ai delas Alas kaya hanggang sa ibang bansa ay pinahahalagahan ang kanyang pag-arte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending