Kailan magkaka-boyfriend? | Bandera

Kailan magkaka-boyfriend?

Joseph Greenfield |September 17,2017
facebook
share this

Kailan magkaka-boyfriend?

Joseph Greenfield - September 17, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ruth ng Poblacion, Tambuling, Zamboanga del Sur
Sulat mula kay Ruth ng Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong walang boyfriend, simula ng iniwan ako ng boyfriend kong Hapon. Actually nakapunta na ako ng Japan ang kaso inagaw sa akin ng kapwa din natin Pinoy yong boyfriend ko at imbis na ako ang pakasalan sila ang nagpakasal. Naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kailan kaya uli ako magkaka-boyfriend ng seryoso at pangmatagalan? Noong dati pangarap kong makapag-asawa talaga ng foreigner, pero sa ngayon mas prepare ko ang Pinoy. Kailan kaya siya darating at kailan kaya ako makapag-aasawa at anu-anong mga zodiac signs ang ka-compatible ko? April 12, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Ruth ng Zamboanga del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing agad tumubo, lumago, kumapal at humaba ang ikalawang mas malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa
iyong palad. Ibig sabihin sa ikalawang pakikipag-boyfriend, ito ay magiging seryoso na, na sa badnang huli ang ikalawang boyfriend na ngang ito ang tuluyan mong makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Seven of Hearts, King of Clubs, at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang lalaki ang darating sa iyong harapans sa taon ding ito ng 2017, ikaw ang mamilili sa dalawang manliligaw mo, kung iyong halos kasing edad mo rin o
iyong mas matanda sa iyo ng lima hanggang 7 taon?
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending