Hiling ng fans: Nora, Vilma pagsamahin uli sa pelikula | Bandera

Hiling ng fans: Nora, Vilma pagsamahin uli sa pelikula

Julie Bonifacio |September 16,2017
facebook
share this

Hiling ng fans: Nora, Vilma pagsamahin uli sa pelikula

Julie Bonifacio - September 16, 2017 - 12:30 AM

VILMA SANTOS AT NORA AUNOR

SPEAKING of Cong. Vilma Santos, kabilang siya sa mga celebrity friends na dumating sa wake ng Manunuri at MTRCB member na si Mario Hernando. Doon ay nagkita-kita pati mga kaibigan sa entertainment press ng Star For All Seasons kaya nakipagtsikahan kahit sandali ang ina ni Luis Manzano.

May nagtanong kay Cong. Vi kung ano ang masasabi niya sa ginawang biro ni Alex kay Luis.

Sabi niya, “Alam mo naman ang dalawang yun ibang magkulitan. Unfortunately, baka may mga na-offend lang, si Lucky wala yun. Pag nagkita yung dalawa grabe kung magkulitan at saka nakamikropono. Ganu’n talaga sila mag-joke.”

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagsasama ni Cong. Vi at ng Superstar na si Nora Aunor sa 33rd Star Awards for TV.

Maraming nagre-request na pagsamahin uli sa movie sina Nora at Cong. Vilma pero ayon sa actress-politician wala daw offer na movie para sa kanila. Pero may mga nag-aalok sa kanya na pelikula kaya lang pare-pareho raw ang tema ng kwento.

“Kung gagawa ka rin lang ng movie e, ‘di yung gusto mo na? Tingnan mo, after ng ‘The Healing,’ that was two years after, at least we made a good choice ang ‘Everything About Her.’ Kung every two years kang gagawa, pumili ka na ng maganda,” esplika ni Cong. Vi.

Ikinuwento rin niya ang ilang napag-usapan nila ni Nora sa backstage, “Huli kaming nagkita sa ‘In My Life’ pa. Nagtatawagan naman kami pero nawala raw ‘yung phone niya kaya nawala ‘yung contact namin, mga ganu’n. Tapos ibinigay na namin ang phone (contact) sa isat isa,” lahad ni Cong. Vi.

Na-miss din daw nila ang isa’t isa kaya marami-rami silang napagkuwentuhan habang nasa backstage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending