Quantcast

Pwede pa ring mag-high heels

By

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Isa po akong clerk sa company sa Makati. Ask ko lang po kung anong pananagutan ng company na hindi susunod sa implimentasyon sa regulasyon sa paggamit ng high heels. Gusto ko rin po na linawain na hindi po naman ipinagbabawal ang paggamit ng high heels kung hindi depende pa rin sa empleyado kung gusto niyang gumamit. sanay na po kasi akong pumapasok na naka-high heels

Rita Meneses
Bacoor, Cavite

REPLY: Para sa iyong katanungan, ang mga company na lalabag sa regulasyon na ito ay bibigyan pa rin ng pagkakataon na mag-comply o sumunod sa patakaran.

Sa kasalukuyan ay hindi na pinapayagan ng Department of Labor and Employment ang sapilitang pagsusuot sa mga kababaihan ng high heels o mataas na takong sa trabaho.

Ang mga kababaihan, tulad ng saleslady at lady guard, ay hindi dapat piliting magsuot ng high-heels sa trabaho, o hindi payagang magkaroon ng maiksing oras ng pahinga mula sa pagkakatayo upang makaiwas sa panganib sa kalusugan,” ayon sa Department Order No. 178 o ang “Safety and Health Measures for Workers who by the Nature of their Work have to Stand at Work.”

Ang kautusan ay sumasakop sa lahat ng employer o establisimento sa pribadong sektor na nag-aatas sa kanilang manggagawa na magsuot ng high-heel o mataas na takong ng sapatos, tumayo habang nagtatrabaho sa loob nang mahabang oras, at mga trabaho na nangangailangan ng madalas na paglalakad.

Nakasaad sa kautusan na kailangang magpatupad ang mga establisemento ng praktikal at kumportableng pagsusuot ng sapatos na hindi masakit sa paa o sa mga daliri sa paa; lapat sa paa at hindi nakakadulas; nagbibigay ng sapat na suporta sa paa; pantay o may mababang takong na hindi tataas sa isang pulgada at dapat ay may malapad na takong o wedge type.

Nililinaw din na hindi naman pinagbabawalan ang paggamit ng high heels sa mga gusto pa rin na gumamit o magsuot ng high heels sa sinuman na nagnanais.

Dianne Joy Romero
Communnications head
OSHS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement