Ryza pinagbantaan ng basher, pati pamilya at BF ipatutumba

By Alex Brosas September 14,2017
share this

Ryza pinagbantaan ng basher, pati pamilya at BF ipatutumba

By Alex Brosas September 14,2017
share this

RYZA CENON

ONE @Dorots122490 lambasted Ryza Cenon on Twitter. Affected much kasi siya sa mga eksena ni Ryza at ng batang aktres sa isang teleserye.

“@iamryzacenon Bakit mo tinototohanan yung pagsaktan mo sa kasama mong bata sa Ika-6 Na Utos?! Alam mo ba yung epekto sa bata pagkatapos noon?! O sadyang napakabobo mo?! Alam mo bang mapapatay ka ng nanay ng bata sa ginawa mo?!

“Eh kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ng bata, magugustuhan mo ba?!

“O di kaya, papatayin namin yung mga magulang mo, yung mga kapatid mo, o di kaya yung boyfriend mong si @pocholobarretto?! Mamili ka ngayon sino sa kanila ang uunahin!”

‘Yan ang mahabang litanya ng basher ni Ryza.

Sumulak ang dugo ng aktres at pinatulan ang basher. “Ang gusto kong maunang patayin mo yung utak mong makitid. Pano mo alam na totoo ko syang sinasaktan? Nasa taping ka ba namin?” sagot ni Ryza.

Grabe ang mga bashers, ‘no? Akala nila lahat na lang ay kaya nilang pagbantaan. Ang tatapang kasi hindi naman nila tunay na name ang gamit nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending