Janella kay Elmo: Hindi ko pa siya boyfriend, walap o kaming label!

By Ervin Santiago September 14,2017
share this

Janella kay Elmo: Hindi ko pa siya boyfriend, walap o kaming label!

By Ervin Santiago September 14,2017
share this

MARIING itinanggi ng Regal Princess na si Janella Salvador na hindi boto ang kanyang inang si Jenine Desiderio kay Elmo Magalona para sa kanya. Masyado lang daw itong protective sa kanya.

“Hindi naman sa ayaw. I think ang problem lang talaga is mothers are really protective when it comes to their children so kung sino man ang lumapit diyan, gusto lang nila i-make sure na worthy and all,” sey ni Janella nang makachikahan ng ilang entertainment press pagkatapos niyang pumirma ng bagong kontrata sa Regal Entertainment nina Mother Lily Monteverde and Roselle Monteverde-Teo kamakailan.

Feeling ba ng mommy niya hindi bagay si Elmo sa kanya? “No naman. I think she’s just being a mother. She really wants to get to know him or whoever man na manligaw.” Pero ayon sa dalaga hindi pa siya nililigawan ni Elmo.

“We are just really important to each other naman. ‘Yun ‘yung masasabi ko lang and we are not rushing (na pumasok sa seryosong relasyon). Priority namin ngayon is work. We are not putting a label,” ani Janella.

Sa tanong kung siya ba ang ka-date ni Elmo sa Star Magic Ball 2017 sa Sept. 30? “Wala pa akong date. For me, mas okay kung mag-a-ask pa rin. It doesn’t matter naman to me (kung may ka-date o wala). If Elmo will ask me, I will go with him naman.”

Samantala, apat na pelikula ang nakatakdang gawin ni Janella sa Regal Films sa bagong kontratang pinirmahan niya sa film outfit ni Mother Lily. Kabilang na rito ang second movie ng tambalang ElNella, ang “My Fairy Tail Love Story” na inaasahang makakasali bilang official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Gaganap si Janella sa movie bilang isang sirena na isinumpa. Ito’y sa direksyon ni Perci Intalan. Bukod dito, nakalinya pa ang iba’t ibang projects ni Janella na mas lalong magpapatubay sa kanyang status bilang teen superstar ng kanyang henerasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending