Trike vs kalabaw: Mag-asawa sugatan, apo patay

By John Roson September 13,2017
share this

Trike vs kalabaw: Mag-asawa sugatan, apo patay

By John Roson September 13,2017
share this
Sugatan ang isang magsasaka at kanyang misis habang nasawi ang kanilang apo nang sumalpok ang sinakyan nilang tricycle sa isang kalabaw sa Bani, Pangasinan, Martes ng gabi, ayon sa pulisya.
Dinala sa isang klinika si Cresencio Catabay, 57; misis niyang si Marina, 61; at 2-anyos na apo nilang si Sophia Pamo dahil sa mga pinsalang tinamo, pero di na umabot nang buhay ang bata, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-8 sa barangay road ng Brgy. Banog Norte.
Minamaneho ni Catabay ang motorsiklong may nakakabit na hog carrier nang masalpok ang kalabaw na nakatali sa gilid ng kalsada sa Sitio Caliswang, ayon sa ulat.
Isinugod sina Catabay, kanyang misis, at kanilang apo sa San Juan Medical Clinic sa Brgy. Poblacion, ngunit doo’y idineklarang patay ng doktor ang bata, ayon sa pulisya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending