Sa pag-aabroad aasenso

By Joseph Greenfield September 13,2017
share this

Sa pag-aabroad aasenso

By Joseph Greenfield September 13,2017
share this

Sulat mula kay Jillian ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Sir Greenfield,
Marami na po akong napasukang trabaho ang kaso sobrang baba ang suweldo at kulang pa para sa akin. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay ako sa abroad bilang D.H. itatanong ko lang po kung may pag-asa kaya akong makaalis bago man lang matapos ang taong ito ng 2017? Sa ngayon ay may tumutulong naman po sa akin isang kaibigan ko rin at dating kasamahan sa trabaho na nasa abroad na sa ngayon. Ano po ba ang sinasabi ng kapalaran ko matutuloy kaya ako at kung sakaling matuloy ako magiging maganda kaya ang buhay ko sa Singapore? July 28, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Jillian ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang mayroon namang malinaw at malawak na Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin tama ang iyong sapantaha, hindi matatapos ang taong ito ng 2017, sobra laki ng posibilidad na ikaw ay makapangibang bansa.
Cartomancy:
Seven of Diamonds, Queen of Clubs at Ace of Diamonds ang lumaba (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babaing isinilang sa petsang 7 o kaya’y 17, sa taon ding ito ng 2017, bago sumapit ang buwan ng Disyembre, may isang mabunga at masaganang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending