'Ellen pinaglalaruan lang ang mga lalaki, nakakaawa si John Lloyd!' | Bandera

‘Ellen pinaglalaruan lang ang mga lalaki, nakakaawa si John Lloyd!’

Jobert Sucaldito |September 13,2017
facebook
share this

‘Ellen pinaglalaruan lang ang mga lalaki, nakakaawa si John Lloyd!’

Jobert Sucaldito - September 13, 2017 - 12:05 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

HINDI na raw mahalaga kung sino ang bad influence kanino – kung si Ellen Adarna ba o si John Lloyd Cruz. Ang tanong ng marami, sino ang nag-upload ng mga video at photo ni Lloydie sa social media dahil siya ang dapat sisihin.

Kasi nga, it almost destroyed the image of the good actor showing him in very bad poses and gestures. Lasing na lasing na parang basag ang dating ni Lloydie at ang katwiran naman ng kampo ni Ellen ay di sila ang dapat sisihin dahil noon pa man ay kilalang lasenggo na raw ni Lloydie.

Ipagpalagay nating sa alak kumukuha ng relaxation si Lloydie, matagal ng balita iyan and even if true nga, bakit kailangang i-upload ang video niyang umiinom, lasing or anything related? Anong pakay?

For fun lang? Hindi ba sila nag-iisip sa magiging epekto nito sa imahe ng aktor?

Okay lang si Ellen dahil alam ng mga tao ang kara niya, kilala siyang party girl na kung anu-ano ang pinaggagawa. Walang mawawala sa kanya, pang-trophy pa nga niya si Lloydie, eh.

Para lang siyang nag-iipon ng malalaking names ng mhin para madikit sa pangalan niya – pampataas ng premium niya kumbaga.

After Ejay Falcon, nandiyan si Paulo Avelino. Then comes Baste Duterte then that K-Pop star na nakilala niya sa Bali, Indonesia then heto nga, si Lloydie na kasama niya sa Home Sweetie Home. Sino kaya ang susunod? Parang ginagawa lang niyang laruan ang mga lalaki.

Dapat daw ilayo na si Ellen kay Lloydie para di siya tuluyang masira. Kung makipag-party raw siya, sana piliin daw naman ang mga taong sasamahan niya, yung safe siya. In fairness to John Lloyd, nag-apologize na siya sa kanyang social media account na ipinalabas daw sa TV Patrol. Kilala naman kasi natin si John Lloyd – hindi lang siya magaling na aktor pero napakabuting tao rin.

Kaya sana huwag naman natin siyang husgahan, tao lang siya tulad nating lahat na gumigimik din once in a while. Magkakaiba lang talaga tayo ng istilo pag nakakainom. But that doesn’t make him a real bad man.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending