Paolo Duterte umaray sa pagbatikos sa anak na si Isabelle | Bandera

Paolo Duterte umaray sa pagbatikos sa anak na si Isabelle

|September 12,2017
facebook
share this

Paolo Duterte umaray sa pagbatikos sa anak na si Isabelle

- September 12, 2017 - 06:18 PM

UMARAY si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa mga banat sa kanyang anak na si Isabelle, na ngayon ay sumusubok sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Paolo, kung dati-rati ay siya lang ang nagiging “punching bag” ng mga kritiko ng kanyang ama, kasama na ngayon ang anak niya sa sinusundan para batikusin.

Una na ngang pinansin ng mga anti-Duterte ang umano’y magarang pamumuhay ni Isabelle, lalo na nang makita itong nagsusuot ng mga branded at mamahaling sapatos at bag.

Ang 17-anyos na si Isabelle ay anak ni Paolo sa dating misis na si Lovelie Sangkula.

Binatikos ng netizens ang anak ni Paolo dahil sa pagsusuot nito ng Gucci Ace embroidered sneakers, na nagkakahalaga ng $600 o mahigit sa P31,000.

Ayon kay Paolo, bagamat hindi raw afford ng kanyang anak na makabili nito, posibleng merong nagbigay nito sa kanya.

Si Isabelle ay aspiring actress na mina-manage ni Anabelle Rama.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending